'Pre, undas na naman. Uso na naman ang mukha mo! Wohoo!'
(queue howling wolf audio here)
Uso na naman ang spooky nights, ang mukha ko halloween parties at house party sa sementeryo. Para sa mga bata, trick or treat-ing na ang naging trip tuwing Nobyembre. Usong pakulo kasi ang trick or treat sa malls at opisina. Hangkyut kasi tingnan ng mga batang naka-custome!
Kanina, nagkayayaan ang mga bata sa compound na mag trick or treat. Nag trick or treat na walang pasabi. Wala man lang memo. Hala! Walang custome. Polbos at lipstick lang ang gamit. Lakas ng trip! Walang pasabi kaya wala akong nahandang mga kendi at mga anik-anik. Naki-join pa si Aqui sa kanila pero pagdating ng bahay, nahiya at nagtago. Naku naku naku.
(Pagkatapos buksan ang pinto)
Mga bata: Trick or Treat!
Nieco: Ahm, trick.
Mga bata: .... asan na ang kendi?
Nieco: Ah, teka teka. (kumuha ng camera) Sige, pose muna kayo.
Ang plano ko eh idistract ang mga bata. Wala nga kasi akong mga kendi. Biskwit lang ang nasa snack box namin. Naiisip ko tuloy na bigyan sila ng toyo, suka, paminta at ketchup galing jollibee. Pagkatapos ng around 5 or 10 mins na piktyuran...
Nieco: Ayan, galing galing. Tingnan nyo ang kuha ko. Oh, ha. Oh, ha. Galing nyo. Apir!
Mga bata: Huuuuwwwwaaawwww!!! ..... asan na ang kendi?
Basag. Hindi na impress sa mga pictures. Amp. Ayun, wala akong choice. Kesa masira ang reputation ko. (Weh?) Binigyan ko na lang ng tag te-10 pesos. Sobrang generous ko db? :B
kinareer talaga.
|
parang nasunogan lang ano?
|
trick or treat! taong grasa style.