Friday, December 23, 2011

Summary Post 1: Kasalan Much

Kumusta mga kaibigan kong makata (feel na feel oh!). Medyo mataas-taas din na panahon akong namahinga mula sa pagbisita dito. Andami kasing nangyari dito sa shithole opisina. Medyo nawalan ako ng gana at tsaka, na-ka-capture ng computer kung anong ginagawa ko online. 


Anyway highway, andami ko nang backpost. Ang ending? parang pudding nalang. ipinagsama-sama ko nalang ang mga same genres. simulan natin ang updates dito.


KASALAN MUCH
This past few months, andami kong kaibigang kinakasal. Sinimulan ng barkada ko nung highschool, tapos nag sunod-sunod nang nagpakasal ang mga tao. Okay na din yun para tumino at lumagay na sa tahimik tong mga lasenggong to. Kaso,  sa limang kaibigang ikinasal within the past 6 months, dalawa lang ang naimbita ako.  The rest, gate crasher ang drama.


Di ko maiwasang maging masaya para sa kanila. Masaya dahil natagpuan na nila ang isa't-isa. Alam kong hindi madali ang maghanap ng labandera mapapangasawa. Kaya sobrang humahanga ako sa katapangan nila. Hindi kaya biro ang habambuhay kayong magsasama sa SARAP HIRAP at GINHAWA. Maraming mga pagsubok ang raragasa at susubuking sirain ang inyong pasasama. Pero alam kong malalampasan ang kahit anong problem. PAG-IBIG ang syang mananaig sa huli. naks!



Isa sa mga di ko makalimutang araw ay ang November 30. Maliban sa araw ng kapanganakan ni Andres Bonifacio (Bonifacio Day), ito ang mismong araw na napagdesisyonan ng isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan na simulan ang buhay pamilya. Sobrang naging honored ako kasi kinuha nya akong abay mula sa milyong-milyong tagahanga. Unang beses ko din itong maging parte ng kasal, liban na lang nung panahong bisita lang ako. Alam kong magiging maligaya kayo sa piling ng isa't-isa. Cheers to more years of blissful days with each other! Congratulations mah friend! 




A part of you has grown in me. And so you see, it's you and me together forever and never apart, maybe in distance but never in heart... -anonymous






ayan. kabaong nalang ang kulang. solb na! ehehehhe



May pahabol pa pala, ikakasal ang barkada ko nung HS sa 24. Oh, db, tipid sa handaan. ehehehe








5 comments:

  1. congrats sa mga friendships mong kinasal. :D

    lols about sa kabaong na lang kulang.

    Pag naka-barong, libing kaagad? Di ba pwedeng ring bearer muna? lols

    ReplyDelete
  2. @khanto: pwede pwede. wala pa namang bulak so ring bearer muna.

    @bino: salamat idol! :)

    ReplyDelete
  3. congrats sa friend mo....
    ang kulit ng ibang kuha!!

    ReplyDelete