Latagaw sa Siargao
Known for its thundering and death-defying waves sure to blow you off your boardshorts, Siargao Island is s a tear-drop shaped island in the Philippine Sea situated 800 kilometers southeast of Manila in the province of Surigao del Norte. That, according to Mr Wiki. But to us beach bums slash thrill seekers, Siargao Island is a haven of pure adrenalin.
Imagine. 5 days. 4 beach nuts. 1 island paradise. It couldn't get any better than this. Oyeah!
Day 1: Cebu to Siargao Islands
Along with marine biologist turned callgirl Pia Bianca, nurse turned blog-bitch Tabian and gadget geek turned restless slipper June Biatch, we flew via Cebu Pacific Airlines from Cebu to the island paradise. We just got out from our graveyard shift but even with almost zero physical energy, it didn't stop us from dragging our feet to our number 1 destination.
ETA CEB-SUR: 12:45NN |
TOTAL DAMAGE:
Airfare: Promo fare
Fare to Port = 8.00 each
Lunch = 100.00 each
Pension House (Metro Pension, not sure) = 250.00 each
Dinner = 100.00 each
STOP!
Ngayon, naalala ko na kung bakit, napanis tong entry'ng to. Eh anak ng butanding, nagka-mens ako sa english! homay!
Ang hirap palang maging travel blogger, andaming ico-consider! Sumakit ang dimples ko sa pwet sa kakaisip ng mga salitang ugat. Naku naku naku...
Tama na nga ang kaplastikan pre! Oh, etoh nah.
Nang dahil sa paranormal activity 3, makagising din kami on time. Achievement yun considering na hindi pa kami naka-quota sa pahinga. Anyway, meron lang akong ilalag-lag. NOTE: kung naka-abot ka sa puntong to, huwaw! bilib naman ako sa sayo. pinag-aksayahan mo talaga ng oras ang post na to. (siguradong bugbog sarado ako nito kay ....) Lingit sa kaalaman ng lahat, hindi nakakatulog ng mahimbing si tabian pag walang kulambo sa pwet este sa paa. No kulambo = cranky tabian. Weird noh? :P
anong problema pee? |
Tama na nga ang sat-sat. Nasa kay tabian ang ibang mga kwentong nangyari sa Lingaw Siargao na lakad namin.
So anong nangyaring memorable sa Siargao?
1. Seasick.
First day palang namin sa Siargao. Wala pang 12 oras. Wala na. Labas bituka na si Nieco.
D ako sure kung sa kinain ko bang sobrang fatty'ng adobo o dahil sa excitement pero uu, sumuka ako ng bonggang-bongga. Matapos mananghalian, nagkayayaan na magsurf na agad sa katabing isla, ang Daku Island. Nung nasa bangka pa kami, medyo kinakabahan na ako. Ikaw ba namang walang active lifestyle liban nalang sa typing ang agad-agad na isasabak sa surfing. At take note, hindi sa parte na abot mo ang seabed; dun talaga sa malalim na part. So, do I have to spell it out? Ayun, nakapagsurf naman. Pero malipas ang ilang minuto, nag-iba na ang paningin at pakiramdam ko. Pagkasakay sa bangka, ayun, parang binasiwas lahat ng kinain ko. Amp.
Lesson: Huwag kumain ng adobo bago mag-surf.
naumay sa taba. amp. |
Bigla nalang ayaw mag-ON ni Bokya, ang underwater camera ko. Ewan ko anong nangyari. Na sad ako the whole time kasi d ako maka-capture ng mga moments. Buti nlng may dalang camera yung iba. huhuhu (to date, uki na po si bokya. kinailangan lang ibilad sa araw ng matagal para matuyo. ehehehe)
Lesson: Siguradohing underwater camera nga yung camera ninyo. Tsk.
3. Surfing is hard but my jollibee, it was so freakin' fun!
Natutunan kong ang hirap pala ng actual na surfing. Sobrang nakakapagod! Umabot sa puntong feeling ko paralisado na ang mga braso ko sa kaka-paddle! Tapos nakakalito ang pumili ng magandang wave. May factor pa na kelangan mong ibalanse ang sarili mo sa board. At wag kalimutan, pag nahulog, sakay uli't sa board. naman! ramdam kong parang aso na ako kung humingal - labas dila. Argh! Nga pala, kumpara nung nagsurf kami sa La Union, mas mahirap ngayon kasi reef break tapos sobrang lakas ng alon. Kinailangan din naming matutong mag-paddle kaya doble talaga ang hirap.
4. Camwhoring + Jumpshots + Feelengarang Frogs
Need I say more?
5. Dagat. Dagat. Dagat!
6. Great company.
Merong mga moments na nag-di-disconnect kami nila pero buti nlng at magaling na mga negosyador ang mga kasama ko kaya, all good and happy pa rin.
7. Beach bumming to the nth level + picture taking.
9. Naked Island.
Sabi naked db? :)
10. Welcome Home Party.
ayan! kitakits tayo dun sa September. International Surf Competition kasi daw dun.
Salamat sa Tiger Rose Surf Camp, kina Kuya Tatski at sa crew nya.
Kitakits mga peeps. :)
sobrang saya naman ng mga ginawa nyo..
ReplyDeletena try ko na rin mg surfing, sa Zambales nga lang..
men, sakit sa binti at braso.. feeling ko nga ng crunch exercise ako ng 500 na beses.. lol!
I love the naked island pics.. haha
saka yung jumpshots! perfect lang
uu nga. I saw your post re surfing in zambales. ehehe
ReplyDeletesalamat pre! :D
ohoooyy.. niel pasaway
ReplyDelete