Wednesday, November 2, 2011

Trick or Treat

'Pre, undas na naman. Uso na naman ang mukha mo! Wohoo!'


(queue howling wolf audio here) 

Uso na naman ang spooky nights, ang mukha ko halloween parties at house party sa sementeryo. Para sa mga bata, trick or treat-ing na ang naging trip tuwing Nobyembre. Usong pakulo kasi ang trick or treat sa malls at opisina. Hangkyut kasi tingnan ng mga batang naka-custome! 

Kanina, nagkayayaan ang mga bata sa compound na mag trick or treat. Nag trick or treat na walang pasabi. Wala man lang memo. Hala! Walang custome. Polbos at lipstick lang ang gamit. Lakas ng trip! Walang pasabi kaya wala akong nahandang mga kendi at mga anik-anik. Naki-join pa si Aqui sa kanila pero pagdating ng bahay, nahiya at nagtago. Naku naku naku.

(Pagkatapos buksan ang pinto)

Mga bata: Trick or Treat!

Nieco: Ahm, trick.

Mga bata: .... asan na ang kendi?

Nieco: Ah, teka teka. (kumuha ng camera) Sige, pose muna kayo. 

Ang plano ko eh idistract ang mga bata. Wala nga kasi akong mga kendi. Biskwit lang ang nasa snack box namin. Naiisip ko tuloy na bigyan sila ng toyo, suka, paminta at ketchup galing jollibee. Pagkatapos ng around 5 or 10 mins na piktyuran...

Nieco: Ayan, galing galing. Tingnan nyo ang kuha ko. Oh, ha. Oh, ha. Galing nyo. Apir!

Mga bata: Huuuuwwwwaaawwww!!! ..... asan na ang kendi?

Basag. Hindi na impress sa mga pictures. Amp. Ayun, wala akong choice. Kesa masira ang reputation ko. (Weh?) Binigyan ko na lang ng tag te-10 pesos. Sobrang generous ko db? :B


kinareer talaga.

 parang nasunogan lang ano?



trick or treat! taong grasa style.


12 comments:

  1. nasan na ang kendi?

    di ata nila alam ang buong sense ng trick or treat. hhehehe. ang alam nila basta sabihin lang trick or treat, may kendi... di natin knows ang trick...

    ReplyDelete
  2. hahaha! ok na pamigay yun toyo at suka sa mga nagteteat or trick... pero gusto ko ung ketchup ng jollibee!

    ReplyDelete
  3. ang cute ng mga bata. galing ng mga kuha mo.at napaka bait mo naman to give them 10 pesos each malaki na sa mga bata yon

    ReplyDelete
  4. hahaha. kala ko yung ketsup galing jabee na yung ibibigay mo. inam.

    ReplyDelete
  5. ang galing! hahahahha. gusto ko yong unang pic ng mga bata, halatang inuto mo pa para magpose. LOL

    ReplyDelete
  6. hahah luuya sa lipstick ug harina oi gibutngan ug bata.. hehehe

    ReplyDelete
  7. @khanto: klaro nga na hindi nila alam. ehehe

    @artiemous: mag trick or treat ka sa bahay. lalagyan ko na rin ng toyo at suka. :)

    @diamond: ehehe planu ko ngang bigyan sana ng te-teg-1000. ehehe

    @bulakbolero: actually, muntik ng ketchup lng sana ang ibibigay ko.

    @empi: career ano?

    @pepe: halata ba? di nga. ehehe

    @kikomaxxx: harina gyud brad? di pwede pulbos? ehehehhe

    ReplyDelete
  8. unang pagkakataon na dumaan ako dito.. ang kulitng post na to... "D

    ReplyDelete
  9. sa sampung piso marami na rin silang mabibili dun. hindi ka naman po kuripot.

    iskeri the first picture

    ReplyDelete
  10. salamat AXL sir. :D

    ehehehe.. na imagine mo pabs? :P

    ReplyDelete
  11. I wish I hadn't seen the first picture. AAAARRRGGH!!!

    Pambawi yung pics ng mga bata. hehehe. pero iwas ako sa first picture.

    ReplyDelete