Wednesday, October 19, 2011

Totoo! Peksman!


Korek!

Hindi porke't ganito ang pagmumukha ko, 
eh, bagong laya na ako sa rehab
o adik sa katol
o humihit-hit ng rubbing alcohol kung bored
o malakas lumamon!

Matino po akong tao at walang bahid ng kabaliwan. 
Oo! Totoo!:p
Bilibitornat!

Bilibitornat, kung darating ang panahon na makakasalamuha nyo ko, di mo aakalaing may planu pa rin akong maging isang magaling na Physics teacher. Note, isa ako sa pinaka-strikto sa loob ng klase nung Student Teacher pa ako.
Sa kengkoy kong 'to, iisipin mong ang kaya ko lang gawin ay magbungis-ngis sa loob ng klase pero noooo.. Terror ako sa loob. Pero paglabas ko, syempre, barkada na tayo.

'yan ang planu. Maging isang dakilang hollywood actor and model guro sa Pisika. Pero dahil nga may bucketlist akong tinatapos bago maging 25, isinantabi ko muna ang planung yan. Hindi naman sa walang planu, pero pause muna tayo dyan.

Ako ang klase ng tao na walang paki sa social confirmity or standards. Para sa akin, ang importante, totoong masaya ka sa ginagawa mo at pinapanindigan mo ang 'yong mga desisyon. You don't need to fit into a cookie moulder that the society has set up for a particular role. I don't really give shit on what people think or say against me. They can judge me all they want. I will not falter.

Sanay na ako kutyain, husgahan at pintasan ng mga hindi nakakakilala sakin. Paki ko sa kanila. Alam ko naman kung anong totoo, bat ako masasaktan? Wala akong obligasyon na ipaliwanag ang sarili ko. Liban nlng kung ako ang gumahasa o ama ng iyong dinadala nagkasala.



Bahala na silang maghusga. Basta ako masaya.
dba mas masaya makitang napapatunayan mong mali pala ang inisip nila? Ü 

14 comments:

  1. hahaha bitaw no... dont judge jud ba.. mao man gud na kadaghanan sa atoa ba... unya wala sila kabalo na kuyaw diay ang backgrouond..

    ReplyDelete
  2. tomo!!! wag manghusga... share ko sa pesbuk tong post mo

    ReplyDelete
  3. kung ganyan ka magkakasundo tayo..will you marry me? LOL...ako takot me mahusgahan! :)

    ReplyDelete
  4. The picture says it all...sadyang ganun ang kadlasang mentality ng mga tao. Kung ano ang nikita ay nahuhusgahan na ang buong pagkatao.

    Tama yan! Maging matatag lng tayo at wag paaapekto sa mga taong nakapaligid sayo kasi tayo mismo ang mas nkakaalam sa sarili natin.

    Sabi nga ni Melanie Marquez eh " Don't judge my brother , because he is not a book" Haha! Ikaw na bahala umintindi nun haha!

    Ano? tatagay na ba? LOL

    ReplyDelete
  5. @kikomaxx: tinuod pre. mahilig talaga ang tao manghusga. natural kasi tayong tsismoso. eheheh

    @khanto: huwaw. artesta na ba me? salamat.

    @akoni: ayun. apir pre.

    @jag: ilabas ang beer! ehehehe

    ReplyDelete
  6. titser ka pala dati. lufet lang. isa sa paborito kong subject yung pisika dati, kasama ng math at chemistry. pero pinakalamang ang chemistry. wala lang, sinabi ko lang. hehe.

    ReplyDelete
  7. Don't judge a book especially if youre not a judge.

    Ang shoray! LOL.

    ReplyDelete
  8. OO nga bakit ba sa huhusgahan ang tao sa pisikal na itsura kung di mo ito nakikilala. Who knows?

    ReplyDelete
  9. super agree ako sa last part "mas masaya makitang napapatunayan mong mali pala ang inisip nila"... sweet...

    ReplyDelete
  10. Madali sabihing wag mag-judge kasi aminado akong pala-judge talaga ako sa physical I mean come one, yun naman talaga ang unang nakikita diba. Thing is, I give people a chance to prove me wrong hehehe. Nice post!

    ReplyDelete
  11. ito ang mga bagay na kasabihan sa posts na yan.

    1. Donut judge the book by its clover.
    2. What you see it not really what you get.

    Judging an individual is really a no no, until you know a person---personally, you'll know where he is actually coming from, right?

    ReplyDelete
  12. isa sa mga ayaw ko yung ndi pa alam yung buong kwento ng pagkatao ko eh hinuhusgahan na agad ako... pero saludo ako sayo sa pagiging titser mo, ang pinaka marangal na trabaho... :D

    ReplyDelete
  13. syang tunay!!! :)

    ReplyDelete
  14. thank you guys for sharing my sentiments. sana we all avoid this kind of mind set. :)

    ReplyDelete