Tuesday, February 8, 2011

~ Outerspace..hyperspace

enjoy dito sa space. woot woot.

"I need space..."


..ito ang katagang kadalasang nabibitiwan ng mga taong halang ang bibig, halang ang sikmura, pangit,ilusyonada, adik, frustrated astronaut at nasa gitna nang isang masalimuot na relasyon. ewan ko bat naisip ng kung sinong nakaimbento nito ang gumamit nang salitang space. gusto ba nya talagang pumunta sa space? o makati lang talaga ang pwet nya't gusto nyang mawala tayong lahat sa mundong ibabaw para sa kanya na lahat ng space sa mundo? hindi ko lubos maisip kung bakit nila na isip ang salitang space kung ang kelangan naman nila ay panahon na mapag-isa. confused much? pero sa totoo lang, di naman kelangan ng mga mabulaklaking salita para maipahayag ang tunay na saloobin. kung sabihin nalang kaya nilang adik ako (erase) loner ako (pangit!) thyme outh phow (jejemon?!) kilangan ko mapag-isa para mag-isip. db simple?! ayjusko!


...sa ibang banda, kinilabotan ako sa katatawa sa mga nababasa ko these past few days. Salamat sa katulong kaibigan kong si tabian much at nabalik na naman ako sa kababasa nang mga sulat ni bob ong. kakatawang isipin na merong taong nakakapagsulat nang mga iniisip kong na ek-ekan. d ko mapigilang mapagigil at magpagulong-gulong sa sahig (oa?!) sa katatawa sa mga libro nya. sa ngayon, natapos ko na yung 'mga kaibiga ni mama susan' at tinatapos ko pa yung 'ang paboritong libro ni hudas'. kating-kati na 'kong mabasa yung mga ibang libro. eeeee.. mahilig talaga ako sa libro pero nang umuso na yung teks, tagay at mag-jowa eh naiwanan ko na ung hilig ko. (pabulong, lapit ka) ayo ko kasing tawaging genius, o loser, o geek, o nerd, o kuliro, o weird. pero sa totoo lang, oras lang talaga ang kelangan ko.


kuha sa panglao, bohol.
..nga pala, di na gaanong umuulan ngayon dito sa cebu. na-eebak na sa galak lahat nang tao dahil d na nila kelangang maginvest sa mga bangka o mga floating devices. masaya na din ako't di na umuulan at parating nakadungaw ang araw. kahit na basa parin ako dahil sa pawis kong parang bukal. hoh! palapit ng palapit na ang SUMMER. woot woot. sana mapuntahan ko yong mga beach na plinano kong pag-aksayahan ng oras. woot woot. hoy junebiyatch! larga na ung planu ha? kating-kati na ung pwet ko!






Note: dumugo ung tinga ko sa kasusulat ng entry na 'to kasi d ako marunong magsalita ng tagalog. matatawa ka sa accent ko. bow.

3 comments: