Friday, February 11, 2011

~ Filipino pipino pinong-pino

..alam ng lahat ng nakakilala sa'kin kung paano ako magsalita ng bisaya o english. d naman sa gaanong pagiging proud pero medyo comfortable naman akong magsalita, maliban nlng sa filipino. di sa di ako marunong pero parang ang tigas lang talaga ng dila ko pag nagkikipag-usap gamit ang filipino. kasing tigas ng .... (oh, kung ano yang iniisip mo, malamang yan na) kung ako magsalita. kaya sobra akong pinagtatawanan ng mga nakasalimuha kong mga tagalog. napapabuhakhak nlng ako sa sarili ko pag naririnig ko ang sarili. mas magaling pa ata yung grade 5 pupil from section kamachili na nakaupo sa pinakalikuran ng silid-aralan. di din ako nag eenjoy pag nagbabasa ng tagalog. mahirap intindihin at mahirap para sakin na iparating yung iniisip ko. kaya ini-english ko na lang. kaya lang, sabi nung kaibigan ko, lumalabas na maangas at medyo hambog. wey...


di ko na ma trace kung kelan ako medyo nahihirapan sa filipino. lingit sa kaalaman ng lahat, nanalo akong 1st place dati sa paligsahan sa madaliang pagtatalumpati aka Filipino Extemporaneous Speaking. lol. naalala ko pa ang nabunot ko...


T: Bilang isang Boy Scout, ano ang maiaambag o maitutulong mo sa pag-unlad ng Syudad ng Mandaue? Note:meron lang 30 secs para makapaghanda ng isang 5-minutong talumpati... cut!


Humahaba na ang kwento at  nauubusan na ako ng mga salita sa tagalog alam kong lulundag ka na sa excitement sa details. oo, mahirap paniwalaan pero nanalo ako. yes, me is the champion. nanalo ako ng tumataginting na 500 pesos! minus porsyento ng adviser, 150 nalang yung akin. hmmm...bakit kaya yun.. oh well. kaya yun, pagkatapos nun, ewan ko kng nasaan napunta yung batang yun. d  ko na ma trace kng saang dako sa nakaraan nawala yun. kaya, kakatuwa nang muli kong magustohan at matutunang magbasa/magsulat sa Filipino. feeling ko, pag nakabasa na yung college prof ko sa filipino nitong blog, feeling ko magpapakalbo na yata yon dahil sobrang humahanga na xa sa kin. wey. siguro tinadhana ito ng panahon. noh.


pasalamat nlng ako at medyo nahihilig na ulit akong magbasa ng blogs in tagalog. nasasarapan akong tumambay sa mga walang magawang matino na mga taong yan sa blogroll. joke lang. sus, sana makapag hang out kami minsan at para mahasa yung baluktot kong dila, malibog kong pag iisip, maingay kong pagkatao pagsasalita ko.


sa kapitbahay na si stephen. isang 5-taong gulang na bata. tagalog... makapag practice na akong magtagalog sa bata...


kay joy, pinsan ng kaibigan at kaklase ni riz na si Mel, tagalog...makapag practice na akong magtagalog sa isang dalaga or teeniger.


kina nesjohn, audie, joel, kat at mga kaibigan ko sa PNU, tagalog... makapag practice na akong magtagalog sa mga professionals.


kina tabian much at junebiyatch, bisaya... medyo makapag practice na akong magtagalog sa mga may edad na, di na kabataan, autistic, maingay, autistic, autistic, autistic, parati kong nakakasalamuha.


alam ko. hinihintay mo kng sino ang para sa matanda. wala na. wag mo nang asahan at baka mabitay pa ako. 


sa mga bisaya kong fans, pasensya na. sinumpong na naman ako ng pagka autistic ko. boring na.....









2 comments:

  1. bisaya pod diay ka?ahahaha...
    well ako i can speak bisaya, and currently here in cebu for a job...
    pratice lang ng practice..noong pagdating ko nga dito sa cebu tagalog pa ako. pinagtatawanan ako pag nag bisaya kasi para lang daw tanga. mali mali ang grammar.
    ouch.

    ReplyDelete
  2. pwerting bisayaa.. eheheh
    noh? parehos lang pala na experience natin pero sa magkaibang kalawakan..
    ..andito ka lang pala. kape tau nila minsan at nang ma praktis ko tong tagalog ko.

    ReplyDelete