Wednesday, February 16, 2011

~ the kid next door

adik sa vitamin C, mahn.
**babala: kung ayaw mong masayang ang ilang minuto mo para sa walang 'yang post na to, pwede mo pang iclose ang browser nato.


ah, basta, nag babala na ako...


nagbabasa ka pa? sure ka na talaga?


stop. as in, stop na. tigilan mo na. iclose mo na tong site na to. go!


aw ikaw ang bahala. wag mong sabihing di kita pinagsabihan.






..sabi nila kung gusto mo ng pinaka- out of this world totoong sagot, itanong mo raw sa bata at magliliwanagan ka na parang may nakatutok na nakakabulag na spotlight sayo. pero pano kung ang batang kausap moy yung tipong adik sa vitamin C syrup, yung parang high sa kasisinghot ng albatros o 'lost in translation' na parang nakalutang sa kawalan ang kokote?


1st conversation with next door kid...


habang busy'ng nagbabanlaw at nagsasampay ng damit, pansin kong may bata palang nakaupo di kalayuan sa sampayan. (note: hindi ako under sa misis ko. gusto ko lang talagang maging suwail at gawin ang mga ayaw nya.) naisip kong mag-hi para lang mapatunayan kong totoo at di anak ng lupa yung nakatitig sakin.


Ako: (me doing kaway my hand, sabay smile) what's your name?
Bata: Stephen.. (sabay smile)
(awkward silence)
B: @#$%$#()(*^*_#_(!@#()@#!_)_)@!_# {hindi ko naintindihan kong ano yung sinabi nya}
Ako: ah, okay. ilonggo ka? (walang sagot..) ah, tagalog? (..tango) ah, okay. 'no yung sinabi mo?
B: joke yun. 
A: huh? ano?
B: (pasigaw) sabi ko joke yun.
A: ah, okay. di ko kasi ma gets.
........(another awkward silence)
B: #$#)*)*!)@#!PKLJKLEWQ:#($@#*#*@!$)!*$@!_$_)_ naglaro ng PSP kasama sina #$)!#_@)!#*))$@*$)%$^&^(*%#@. kilala mo yun si ____? yung sa harap @#(U@P$&!@()&($KJFKEJKRJEKLJK$%@$(!_ /*-+++-/*//*/
A: ah, okay. (impulse: laugh. di ko ma gets. di ko talaga ma gets. wala akong maintindihan sa mga ikwenento ng madal-dal na batang to. di sa kasi tagalog pero d ko talaga magets kung sino-sino ang mga characters sa kwento nya) 
......
A: 'lam mo, meron din kaming bata dito.
B: 'nong pangalan?
A: joaquin.
B: ano?
A: sabi ko, joaquin.
B: huh?
A: (pasigaw) sabi ko, joaquin. joaquin. joaquin!!!
B: noh.
.....
B: nasan xa ngayon?
A: wala xa dito. nasa ibang lugar.
B: noh. nasan nga?
A: nasa Bogo. (Bogo is a province in northern Cebu)
B: noh. ibang bansa?
A: (annoyed) Oo, ibang bansa.
B: noh. alam mo ba meron din akong kilala na nasa ibang bansa.
A: saan? japan?
B: sa manila. marami akong kilala dun.
A: eh di naman ibang bansa yun eh. pilipinas din yun.
B: noh.
A: Oo, ibang lugar sa pilipinas lang yun. di yun ibang bansa.
B: (pause) noh.
**umexit na ko. napagod ako sa kakausap sa batang to, sumasakit na din yung likod ko sa kakasampay at kakabanlaw ng sangkaterbang damit, dumudugo na yung ilong ko sa kaka-tagalog at muntik ko nang itapon yun planggana sa mukha ng engot sa kakasagot nya sakin ng NOH.  at inaantok na din ako.


..masaya ako't medyo meron kaming kapitbahay. para din may makabantay naman sa bahay namin habang wala kami. ehehe.. bonus pa na may bata. at least may kalaro na si joaquin. at swerti ko pa, mapapraktis ko pa yung tagalog ko. ewan ko lang kay joaquin. baka ma suntok nya tong batang to kasi di nya maintindihan. lol.


..andami kong gustong iblog na nangyari kamakaylan. nasa drafts ko palang. d ko matapos-tapos. mahirap lang talagang itagalog tong lahat ng iniisip ko. may magbigay sana ng tagalog almanac dictionary sa bertday ko. 


..pahinga muna sa kakatagalog. cebuano muna next entry. hoh!

2 comments:

  1. Hirap talagang magtabanog
    talong argao lang kasi ako sa manila.

    ReplyDelete
  2. wahahha... nahihirapan ka na sa kalisud?

    ReplyDelete