Thursday, February 17, 2011

~ I'm a villain..not the victim.

ako na. ako na. ako na ang pinakagwapo.

All men must choose between two paths. Good is the path of honour, friends and family. Evil... well, it's just cooler.  
~Megamind


 ..Like any other person, I get hooked at any shitty superhero movie eventhough it always has this predictable storyline and ending - good always triumph over evil. di ko talaga ma picture out ang sarili ko na isa sa mga engot na superhero na nakabahag, nata-tights at labas ang brief. parati kong naiimagine ang sarili ko bilang supervillain kagaya ni max albarado megamind. mas maganda ang mga linya at di malamya magsalita ang mga villain. kahit di gaanong kagwapohan pero ang bri-brilliant ng mga ideas bai. hand salute! kahit na sa huli, sila rin yung natatalo at namamatay. susmaryosep. di ko naman din na picture out ang sarili ko bilang isa sa mga kaawa-awang sacrificial lamb ng storya o ung mga biktima na ipinapakain sa mga buwaya at binabalatan ng buhay. (eeeeee.. masakit yown! sino naman ang may gusto non?) kaya so far megamind lang ang medyo malapit sa puso ko. di ko naman mahanap yung palabas na ang bida ang talo at taas nung sinasabi ng kalaban na, 'pakenshet maderpaker! eto na ang katapusan mo!' sabay taas ng nagnining-ning na pakyu finger at talagang naging katapusan na ng bida. kahit nga sa movie na megamind, akala ko patay na si metroman (bida) pero sa ending, lumabas rin pala ang loko't buhay na buhay na parang isda. sa teleserye, andon ang ruby: ang bidang kontrabida, maganda at sobrang sexy ang katawan ni angelica storya nun pero (erase. d ako nanonood ng soap opera. pramis. maliban nlng kng si anne curtis ang bida. yummy.). d ako mahilig sa teleserye. hindi hindi hindi. (napano na kaya si lia sa imortal) autistic mode. balik balik. 

.. sa totoo, buong buhay ko, parati ako ang villain. yung tipong pag may nag-aaway at nagkataon na andun ako, walang ibang pagbibintangan na nagsimula kundi ako. sa katunayan, sa harapan ako parating nakaupo buong elementary years ko. pag may nagiingay, ako ang sinisisi. pag may tulo-sipon na umiyak sa isang sulok, ako na naman. ako ako ako ako na. uu, ako na talaga,. meron ding mga chance na naging superhero ako. syempre. isang beses sa beach, napansin kong may nalulunod na butanding. walang pagdadalawang isip kong sinagip siya ha. winner. at marami pang iba, di ko nalang sasabihin kasi top secret. nakapirma na ako sa PDEA at CIA. kaya sa puntong to sa buhay kow, never ko ma imagine ang pagiging victim. hindi, hindi ako na rape. pero oo na harass po ako. hindi yung tipong may mga kamay na nakahawak sa O*** ko pero yung tipong parang nabasag yung munting bula na nagproprotekta sayo. hindi, hindi po ako naglalaba. worst, dito pa sa opisina. akala ko noon sa malaking screen sa bahay ko lang makikita yung mga ganoon. yung office violence ba yun. may pa know-it-all comment pa 'ko kung anong dapat gawin. ayjusko. pero pag nangyari na pala yun, di rin pala ganun kadali. parang sobrang na-violate ang buong pagkatao mo at ang mahirap pa dun eh walang naniniwala sa yo. mahirap pare at sobrang jahe. naisip ko nang sumoko at mag resign pero sus kung di ko palang kailangang lumamon, uminom, maglakwatsa at magpayaman, matagal ko nang sinuko tong pesteng trabahong to. mahirap maging kolboy. lalo nat may mga taong ang naging purpose in life ay ang gawing miserable ang yong pitiful life. sana patawarin sila ni satanas.

..parati nga akong napagbibintangan na villain o kalaban, pero sa totoong buhay, di naman ako ganoon kasama. simple lang naman ang gusto ko ang mabura sa mundo ang henerasyon ng mga taong hindi nagdudulot ng magandang vibes sa buhay ko!!!! (galit?oa?) maging pinakamayaman pinakagwapo (ahem given erase) pinakamagaling at genius na superhuman (di na realistic) mag-ingay at mag-enjoy sa piling ng mga importanteng tao sa buhay ko. pero siguro, kakambal na ang kabal-balan ng pagiging maingay at madaldal ang mapagbibintangan. im living with it though. wala akong magagawa eh. akoy isang hamak na karakter/tauhan sa isang masalimuot at nakakatuwang estoryah ng buhay. **buntong hininga**

..sa kabilang banda, medyo nasolusyonan rin tong makati kong bun-i katawan na nanunuyot na sa (anong tagalog nito...) ahm...kagustohang mabasa sa maalat na tubig ng dagat. masarap at masaya ako't nagkaroon din ako ng pagkakataong maipalabas na parang utot ang mga istress na nakabinbin sa pwet. kaso medyo tang-inang maderpaker bitch talaga ang tadhana, nasira yung underwater canon d10 ko. mahal na mahal ko panaman din yun. ang sira? nabasa. napasukan ng tubig. underwater camera na yun ha. ayjusko. good thing at may warranty. hoh! di ko namalayan pero unti-unting sumisibol na pala ang pinaka hihintay kong panahon buong taon - SUMMER!!!! d ko mapigil ang sarili't excited na kong mag beach. oyeah! di na rin gaanong maulan. kaya, woohoo! naririnig ko na ang tawag nya. eto na xa. diin ng araw, hampas ng alon at sampal ng hangin...na iimagine ko na. Haring Araw, pag nag cooperate ka, ikaw na ang bida. 

**andami ko nang nasabi, d ko na alam pano to tapusin kaya END**

3 comments:

  1. hahahaha!!! really i agree!!!

    ReplyDelete
  2. i need to hear the story straight from ur "madaldal" na mouth..hahaha! see you soonest kapatid..

    ReplyDelete
  3. naimagine mo kung paano ko to idedeliver??? ^__^

    ReplyDelete