Wednesday, February 9, 2011

~ the Autistics

must work now. must work now. must @#(%#^
ZZZZzzzZZzzzombie..
(cue horror sound effects)



..gabi-gabi, nagiging isang madugong labanan ng utak at puso, gusto at kilangan, ang nangyayari pagpatak ng alas-9. pagkatunog ng.... TALILING-TING-TING...TALILING-TING-TING.. (cellphone alarm) para ng may isang matinding pwersa na ang yumanig sa himbing kong tulog. dilat ang budlat na matang nakatitig sa kawalan. GGGGGGGGEEERRRRKKKKK... sigaw ng gutom kong tiyan.. another 5 mins at babangon na ako... (dead air) another 5 mins (dead air) buntong hininga.. larga.


..sa hindi nakakaalam, isa po akong callboy. nope, hindi yung tipong kumikembot-kembot at exposed to the bone yung **censored**, pero yung mga zombies na nag-spo-spokening dollars. kung hindi pa klaro, OO, call center agent ako. hindi sa isang BPO, pero sa isang malaking printing solution company. kung di pa rin klaro, paki-google nlng po ang meaning o paki-consult nlng po yung kaibigan nya. (balik sa kwento)


..nakagawian ko na kasing i-set ang alarm ng limang beses mula 6:30PM hanggang 9:00PM para lang magising at ma-istorbo yung mga nakatulo-laway at natutulog kong mga brain neurons. ang sarap-sarap kasing maghilata at nam-namin ang mga yakap ni riz ng kumot at unan. eh kaso, kilangan kumiyod kumayod para makaipon (ows?!). yun nga, nagising na ako't nakapaghanda para sa isang mahabang gabi, pero parang tulog pa yung utak ko. kilos pagong ako kung lumakad papuntang opis. parang kinakaladkad ko na lang yung sarili ko. wala kasing akong ni-look forward sa opis, in short, boring. buti nlng may mangilan-ilan na autistic at medyo di gaanong special.


..klase-klase ang mga tao dito sa opis, marami ang mga boring, matanda, bitter, reklamador, mapagmataas, KJ aka kill-joy, backbitters/gossip mongers di na intindihan ang job description, not-like-us at nakakaiyak ang kaboring. pero d na 'ko mag aaksaya pa nang oras sa kanila, think positive na ata ako ngaun. kaya, eto ang mga klase nag mga autistic na mga jologs na nakakasalamuha ko:


1. The Talker aka Buni sa Labi // Halang ang Ngala-ngala
2. The Loud Mouth aka Walang Volume control // Sirang 'Mute' button
3. Mega Hyperactive aka Bona Kid // Laking Bear brand // Galaw-galaw
4. The Dirty Mouth aka Horny Harry // Chicken Ass Mouth
5. The Geek aka KIA: Know-it-all
6: Hangover aka Parating hangover
7: Buzzer beater aka Late comer
8: Sirang Plaka aka  sintonadong singer // Tone Deaf


..ipapaliwanag ko sana kung ano yung mga description nila pero tinamad ako bigla. wahahahha.. ^___^


'Nga pala: meron kaming bagong kapitbahay and take note, tagalog. woot woot. mapractice na nga tong Filipino Communication Skills ko minsan.




Pahabol: Congrats nga pala sa AZKALS. astig nyo! sa sobrang astig, d ako makatulog kanina sa kakahintay nang alas 7 para sa Live coverage. Ang ending? nakatulog ako nang 6PM. Sheyt naman. news nlng yung naabotan ko pag-gising. amf. pero hey hey hey pa rin!

2 comments:

  1. 4. The Dirty Mouth aka Horny Harry = It's so me. Haha

    Ako rin panggabi, hindi call center pero Americans rin ang kausap... At may nadiscover akong paraan para hindi mahirap bumangon sa gabi. Pag-uwi ko ng 6AM, matutulog ako agad until 10AM. Gigising, kakain, lahat ng gusto kong gawin gagawin ko until 4PM, matutulog uli. Pagdating ng 7:30, breeze na ang pagbangon kasi pakiramdam ko well-rested na ako... Share ko lang baka magwork sa iyo...

    ReplyDelete
  2. "4. The Dirty Mouth aka Horny Harry = It's so me. Haha" >> high five!
    Pero poiding poidi yan. subukan ko nga yan minsan. ang problem sir eh kung pano pag mahirap na matulog by 4PM? zombie mode na? autopilot? ehehehe.. kaya nga nag iinuman nlng aftershift kong minsan. ^___^

    **salamat sa pagbisita sa isang hamak na hampaslupang macheteng katulad ko**

    ReplyDelete