Thursday, February 24, 2011

~ Operation Bawas Bil-bil

..these past few weeks, I can't help but lose my head amidst the muddle that's been happening in the office. nasobraan ako sa stress kaya medyo di na ako mag ka uga-ga sa mga nangyayari ditow. as in literally, it's been more than a battle waking up and getting myself to work. di na ako makahanap ng OA at super definitive words para iexplain kung anong pain ang pumunta sa opis dahil sa mga nangyayaring kababalaghan dito. napadasal na nga akong kunin na sana ni lord tong mga mokong na nadudulot ng migraine sa brilliant kong brain. (lord, please kunin mo na sila!!!!). kaya nang makakita ako ng tyempow na makapag relax at pansamantalang ilibing ang mga masalimoot na pangyayari sa opisina, ay di na ako nagdalawang isip at napa go go go na.

d gaanong klaro. hehe
 ..it was a reunion with my very good brothers/sisters from another mother - the DGKWB. it was our kick-off for summer and post-beedee celebration for edcel marie and efrix. it was just like any other outing with my highschool buddies. super fun and punong-puno ng laughtrip. mga litrato dito.  another set of memories have been whittled last weekend. off we went to MOLABOLA (moalboal) as we call it. it was our first 'no-plan' trip together. yung tipong go, may budget na at lugar pero walang kahit anong planu kung saan matutulog o kakain. yown. sobrang naglaway ako ng makita ang mapang-akit na karagatan. champion na champion na lahat kaso nag-iinarte na naman si haring araw at nag tago buong araw. sayang din kasi nasira yung underwater camera ko - nabasa. umuwi kaming naka smile at nagplanu ulit ng lakad.


oo na, maluwag na ang shorts ko. di na kayo dapat mashock.
..anyway, going through the pictures brought about smile and at the same time, a big slap in the face. funny how angles can make you look big (owwws, denial?) o sige na. kuha ko na. medyo may kalakihan ang tiyan ko. sige pa idiin mo pa. natawa nalang ako kasi di naman ako ganito ka taba nuon. di naman din ako gaanong may kapayatan. yung katam-taman lng. gaya nito. i was perfectly okay with my body (weh, d nga). sabi ko nga, masaya ako at kagagawan ko kung bakit ako naging ganito ka taba  chubby. kahit na parati na akong tinatawag na baboy, 'dakong tiyan', beer belly, abnormal, okay lang naman kasi akala ko nag iilusyon lang yung mga gago. kaya nang makita ko yung mga pictures, nauntog ang aking kamalayan at napagtanto kong parang medyo masagwa naman masyado tingnan tong bil-bil ko. opo, tumataba na po ako. subukan mo kayang mag damag na nakaupo, at tanging exercise mo lang ay magtype. amf. ewan ko kung saan na yung mala-macheteng kong katawan napunta. nalunod na siguro sa mga mantika ng mga pagkaing nalantakan ko. (first break. nagutom tuloy ako.) kaya eto na. eto na talaga. this is it. 


OPERATION BAWAS BIL-BIL. sa loob ng 3 buwan. susubukan ko gamit ang buong lakas at pagkataong mapaliit kahit konti ang bil-bil ko. wala pa akong solid na planu pero desidido akong mag bawas. (parang awkward pakinggan). pero di naman gaanong malapit sa loob kong mag gym eh. parang waste of pera lang. at tsaka parang sunod sa uso masyado. kaya balik ulit ako sa active na sex life  lifestyle. for this coming weekend, mountaneering muna ang tira ko kasama ang mga lakwatserong taga-ZETS. hep hep. 


wala munang inuman


wala munang sobrang inuman. kahit konti.


wala munang patay-gutom na food trip.


exercise at practice run everyday.


push-ups. sit-ups. jogs.


waaaaaaaaaa... bahala na si dra belo.

Thursday, February 17, 2011

~ I'm a villain..not the victim.

ako na. ako na. ako na ang pinakagwapo.

All men must choose between two paths. Good is the path of honour, friends and family. Evil... well, it's just cooler.  
~Megamind


 ..Like any other person, I get hooked at any shitty superhero movie eventhough it always has this predictable storyline and ending - good always triumph over evil. di ko talaga ma picture out ang sarili ko na isa sa mga engot na superhero na nakabahag, nata-tights at labas ang brief. parati kong naiimagine ang sarili ko bilang supervillain kagaya ni max albarado megamind. mas maganda ang mga linya at di malamya magsalita ang mga villain. kahit di gaanong kagwapohan pero ang bri-brilliant ng mga ideas bai. hand salute! kahit na sa huli, sila rin yung natatalo at namamatay. susmaryosep. di ko naman din na picture out ang sarili ko bilang isa sa mga kaawa-awang sacrificial lamb ng storya o ung mga biktima na ipinapakain sa mga buwaya at binabalatan ng buhay. (eeeeee.. masakit yown! sino naman ang may gusto non?) kaya so far megamind lang ang medyo malapit sa puso ko. di ko naman mahanap yung palabas na ang bida ang talo at taas nung sinasabi ng kalaban na, 'pakenshet maderpaker! eto na ang katapusan mo!' sabay taas ng nagnining-ning na pakyu finger at talagang naging katapusan na ng bida. kahit nga sa movie na megamind, akala ko patay na si metroman (bida) pero sa ending, lumabas rin pala ang loko't buhay na buhay na parang isda. sa teleserye, andon ang ruby: ang bidang kontrabida, maganda at sobrang sexy ang katawan ni angelica storya nun pero (erase. d ako nanonood ng soap opera. pramis. maliban nlng kng si anne curtis ang bida. yummy.). d ako mahilig sa teleserye. hindi hindi hindi. (napano na kaya si lia sa imortal) autistic mode. balik balik. 

.. sa totoo, buong buhay ko, parati ako ang villain. yung tipong pag may nag-aaway at nagkataon na andun ako, walang ibang pagbibintangan na nagsimula kundi ako. sa katunayan, sa harapan ako parating nakaupo buong elementary years ko. pag may nagiingay, ako ang sinisisi. pag may tulo-sipon na umiyak sa isang sulok, ako na naman. ako ako ako ako na. uu, ako na talaga,. meron ding mga chance na naging superhero ako. syempre. isang beses sa beach, napansin kong may nalulunod na butanding. walang pagdadalawang isip kong sinagip siya ha. winner. at marami pang iba, di ko nalang sasabihin kasi top secret. nakapirma na ako sa PDEA at CIA. kaya sa puntong to sa buhay kow, never ko ma imagine ang pagiging victim. hindi, hindi ako na rape. pero oo na harass po ako. hindi yung tipong may mga kamay na nakahawak sa O*** ko pero yung tipong parang nabasag yung munting bula na nagproprotekta sayo. hindi, hindi po ako naglalaba. worst, dito pa sa opisina. akala ko noon sa malaking screen sa bahay ko lang makikita yung mga ganoon. yung office violence ba yun. may pa know-it-all comment pa 'ko kung anong dapat gawin. ayjusko. pero pag nangyari na pala yun, di rin pala ganun kadali. parang sobrang na-violate ang buong pagkatao mo at ang mahirap pa dun eh walang naniniwala sa yo. mahirap pare at sobrang jahe. naisip ko nang sumoko at mag resign pero sus kung di ko palang kailangang lumamon, uminom, maglakwatsa at magpayaman, matagal ko nang sinuko tong pesteng trabahong to. mahirap maging kolboy. lalo nat may mga taong ang naging purpose in life ay ang gawing miserable ang yong pitiful life. sana patawarin sila ni satanas.

..parati nga akong napagbibintangan na villain o kalaban, pero sa totoong buhay, di naman ako ganoon kasama. simple lang naman ang gusto ko ang mabura sa mundo ang henerasyon ng mga taong hindi nagdudulot ng magandang vibes sa buhay ko!!!! (galit?oa?) maging pinakamayaman pinakagwapo (ahem given erase) pinakamagaling at genius na superhuman (di na realistic) mag-ingay at mag-enjoy sa piling ng mga importanteng tao sa buhay ko. pero siguro, kakambal na ang kabal-balan ng pagiging maingay at madaldal ang mapagbibintangan. im living with it though. wala akong magagawa eh. akoy isang hamak na karakter/tauhan sa isang masalimuot at nakakatuwang estoryah ng buhay. **buntong hininga**

..sa kabilang banda, medyo nasolusyonan rin tong makati kong bun-i katawan na nanunuyot na sa (anong tagalog nito...) ahm...kagustohang mabasa sa maalat na tubig ng dagat. masarap at masaya ako't nagkaroon din ako ng pagkakataong maipalabas na parang utot ang mga istress na nakabinbin sa pwet. kaso medyo tang-inang maderpaker bitch talaga ang tadhana, nasira yung underwater canon d10 ko. mahal na mahal ko panaman din yun. ang sira? nabasa. napasukan ng tubig. underwater camera na yun ha. ayjusko. good thing at may warranty. hoh! di ko namalayan pero unti-unting sumisibol na pala ang pinaka hihintay kong panahon buong taon - SUMMER!!!! d ko mapigil ang sarili't excited na kong mag beach. oyeah! di na rin gaanong maulan. kaya, woohoo! naririnig ko na ang tawag nya. eto na xa. diin ng araw, hampas ng alon at sampal ng hangin...na iimagine ko na. Haring Araw, pag nag cooperate ka, ikaw na ang bida. 

**andami ko nang nasabi, d ko na alam pano to tapusin kaya END**

Wednesday, February 16, 2011

~ the kid next door

adik sa vitamin C, mahn.
**babala: kung ayaw mong masayang ang ilang minuto mo para sa walang 'yang post na to, pwede mo pang iclose ang browser nato.


ah, basta, nag babala na ako...


nagbabasa ka pa? sure ka na talaga?


stop. as in, stop na. tigilan mo na. iclose mo na tong site na to. go!


aw ikaw ang bahala. wag mong sabihing di kita pinagsabihan.






..sabi nila kung gusto mo ng pinaka- out of this world totoong sagot, itanong mo raw sa bata at magliliwanagan ka na parang may nakatutok na nakakabulag na spotlight sayo. pero pano kung ang batang kausap moy yung tipong adik sa vitamin C syrup, yung parang high sa kasisinghot ng albatros o 'lost in translation' na parang nakalutang sa kawalan ang kokote?


1st conversation with next door kid...


habang busy'ng nagbabanlaw at nagsasampay ng damit, pansin kong may bata palang nakaupo di kalayuan sa sampayan. (note: hindi ako under sa misis ko. gusto ko lang talagang maging suwail at gawin ang mga ayaw nya.) naisip kong mag-hi para lang mapatunayan kong totoo at di anak ng lupa yung nakatitig sakin.


Ako: (me doing kaway my hand, sabay smile) what's your name?
Bata: Stephen.. (sabay smile)
(awkward silence)
B: @#$%$#()(*^*_#_(!@#()@#!_)_)@!_# {hindi ko naintindihan kong ano yung sinabi nya}
Ako: ah, okay. ilonggo ka? (walang sagot..) ah, tagalog? (..tango) ah, okay. 'no yung sinabi mo?
B: joke yun. 
A: huh? ano?
B: (pasigaw) sabi ko joke yun.
A: ah, okay. di ko kasi ma gets.
........(another awkward silence)
B: #$#)*)*!)@#!PKLJKLEWQ:#($@#*#*@!$)!*$@!_$_)_ naglaro ng PSP kasama sina #$)!#_@)!#*))$@*$)%$^&^(*%#@. kilala mo yun si ____? yung sa harap @#(U@P$&!@()&($KJFKEJKRJEKLJK$%@$(!_ /*-+++-/*//*/
A: ah, okay. (impulse: laugh. di ko ma gets. di ko talaga ma gets. wala akong maintindihan sa mga ikwenento ng madal-dal na batang to. di sa kasi tagalog pero d ko talaga magets kung sino-sino ang mga characters sa kwento nya) 
......
A: 'lam mo, meron din kaming bata dito.
B: 'nong pangalan?
A: joaquin.
B: ano?
A: sabi ko, joaquin.
B: huh?
A: (pasigaw) sabi ko, joaquin. joaquin. joaquin!!!
B: noh.
.....
B: nasan xa ngayon?
A: wala xa dito. nasa ibang lugar.
B: noh. nasan nga?
A: nasa Bogo. (Bogo is a province in northern Cebu)
B: noh. ibang bansa?
A: (annoyed) Oo, ibang bansa.
B: noh. alam mo ba meron din akong kilala na nasa ibang bansa.
A: saan? japan?
B: sa manila. marami akong kilala dun.
A: eh di naman ibang bansa yun eh. pilipinas din yun.
B: noh.
A: Oo, ibang lugar sa pilipinas lang yun. di yun ibang bansa.
B: (pause) noh.
**umexit na ko. napagod ako sa kakausap sa batang to, sumasakit na din yung likod ko sa kakasampay at kakabanlaw ng sangkaterbang damit, dumudugo na yung ilong ko sa kaka-tagalog at muntik ko nang itapon yun planggana sa mukha ng engot sa kakasagot nya sakin ng NOH.  at inaantok na din ako.


..masaya ako't medyo meron kaming kapitbahay. para din may makabantay naman sa bahay namin habang wala kami. ehehe.. bonus pa na may bata. at least may kalaro na si joaquin. at swerti ko pa, mapapraktis ko pa yung tagalog ko. ewan ko lang kay joaquin. baka ma suntok nya tong batang to kasi di nya maintindihan. lol.


..andami kong gustong iblog na nangyari kamakaylan. nasa drafts ko palang. d ko matapos-tapos. mahirap lang talagang itagalog tong lahat ng iniisip ko. may magbigay sana ng tagalog almanac dictionary sa bertday ko. 


..pahinga muna sa kakatagalog. cebuano muna next entry. hoh!

Friday, February 11, 2011

~ Filipino pipino pinong-pino

..alam ng lahat ng nakakilala sa'kin kung paano ako magsalita ng bisaya o english. d naman sa gaanong pagiging proud pero medyo comfortable naman akong magsalita, maliban nlng sa filipino. di sa di ako marunong pero parang ang tigas lang talaga ng dila ko pag nagkikipag-usap gamit ang filipino. kasing tigas ng .... (oh, kung ano yang iniisip mo, malamang yan na) kung ako magsalita. kaya sobra akong pinagtatawanan ng mga nakasalimuha kong mga tagalog. napapabuhakhak nlng ako sa sarili ko pag naririnig ko ang sarili. mas magaling pa ata yung grade 5 pupil from section kamachili na nakaupo sa pinakalikuran ng silid-aralan. di din ako nag eenjoy pag nagbabasa ng tagalog. mahirap intindihin at mahirap para sakin na iparating yung iniisip ko. kaya ini-english ko na lang. kaya lang, sabi nung kaibigan ko, lumalabas na maangas at medyo hambog. wey...


di ko na ma trace kung kelan ako medyo nahihirapan sa filipino. lingit sa kaalaman ng lahat, nanalo akong 1st place dati sa paligsahan sa madaliang pagtatalumpati aka Filipino Extemporaneous Speaking. lol. naalala ko pa ang nabunot ko...


T: Bilang isang Boy Scout, ano ang maiaambag o maitutulong mo sa pag-unlad ng Syudad ng Mandaue? Note:meron lang 30 secs para makapaghanda ng isang 5-minutong talumpati... cut!


Humahaba na ang kwento at  nauubusan na ako ng mga salita sa tagalog alam kong lulundag ka na sa excitement sa details. oo, mahirap paniwalaan pero nanalo ako. yes, me is the champion. nanalo ako ng tumataginting na 500 pesos! minus porsyento ng adviser, 150 nalang yung akin. hmmm...bakit kaya yun.. oh well. kaya yun, pagkatapos nun, ewan ko kng nasaan napunta yung batang yun. d  ko na ma trace kng saang dako sa nakaraan nawala yun. kaya, kakatuwa nang muli kong magustohan at matutunang magbasa/magsulat sa Filipino. feeling ko, pag nakabasa na yung college prof ko sa filipino nitong blog, feeling ko magpapakalbo na yata yon dahil sobrang humahanga na xa sa kin. wey. siguro tinadhana ito ng panahon. noh.


pasalamat nlng ako at medyo nahihilig na ulit akong magbasa ng blogs in tagalog. nasasarapan akong tumambay sa mga walang magawang matino na mga taong yan sa blogroll. joke lang. sus, sana makapag hang out kami minsan at para mahasa yung baluktot kong dila, malibog kong pag iisip, maingay kong pagkatao pagsasalita ko.


sa kapitbahay na si stephen. isang 5-taong gulang na bata. tagalog... makapag practice na akong magtagalog sa bata...


kay joy, pinsan ng kaibigan at kaklase ni riz na si Mel, tagalog...makapag practice na akong magtagalog sa isang dalaga or teeniger.


kina nesjohn, audie, joel, kat at mga kaibigan ko sa PNU, tagalog... makapag practice na akong magtagalog sa mga professionals.


kina tabian much at junebiyatch, bisaya... medyo makapag practice na akong magtagalog sa mga may edad na, di na kabataan, autistic, maingay, autistic, autistic, autistic, parati kong nakakasalamuha.


alam ko. hinihintay mo kng sino ang para sa matanda. wala na. wag mo nang asahan at baka mabitay pa ako. 


sa mga bisaya kong fans, pasensya na. sinumpong na naman ako ng pagka autistic ko. boring na.....









Wednesday, February 9, 2011

~ the Autistics

must work now. must work now. must @#(%#^
ZZZZzzzZZzzzombie..
(cue horror sound effects)



..gabi-gabi, nagiging isang madugong labanan ng utak at puso, gusto at kilangan, ang nangyayari pagpatak ng alas-9. pagkatunog ng.... TALILING-TING-TING...TALILING-TING-TING.. (cellphone alarm) para ng may isang matinding pwersa na ang yumanig sa himbing kong tulog. dilat ang budlat na matang nakatitig sa kawalan. GGGGGGGGEEERRRRKKKKK... sigaw ng gutom kong tiyan.. another 5 mins at babangon na ako... (dead air) another 5 mins (dead air) buntong hininga.. larga.


..sa hindi nakakaalam, isa po akong callboy. nope, hindi yung tipong kumikembot-kembot at exposed to the bone yung **censored**, pero yung mga zombies na nag-spo-spokening dollars. kung hindi pa klaro, OO, call center agent ako. hindi sa isang BPO, pero sa isang malaking printing solution company. kung di pa rin klaro, paki-google nlng po ang meaning o paki-consult nlng po yung kaibigan nya. (balik sa kwento)


..nakagawian ko na kasing i-set ang alarm ng limang beses mula 6:30PM hanggang 9:00PM para lang magising at ma-istorbo yung mga nakatulo-laway at natutulog kong mga brain neurons. ang sarap-sarap kasing maghilata at nam-namin ang mga yakap ni riz ng kumot at unan. eh kaso, kilangan kumiyod kumayod para makaipon (ows?!). yun nga, nagising na ako't nakapaghanda para sa isang mahabang gabi, pero parang tulog pa yung utak ko. kilos pagong ako kung lumakad papuntang opis. parang kinakaladkad ko na lang yung sarili ko. wala kasing akong ni-look forward sa opis, in short, boring. buti nlng may mangilan-ilan na autistic at medyo di gaanong special.


..klase-klase ang mga tao dito sa opis, marami ang mga boring, matanda, bitter, reklamador, mapagmataas, KJ aka kill-joy, backbitters/gossip mongers di na intindihan ang job description, not-like-us at nakakaiyak ang kaboring. pero d na 'ko mag aaksaya pa nang oras sa kanila, think positive na ata ako ngaun. kaya, eto ang mga klase nag mga autistic na mga jologs na nakakasalamuha ko:


1. The Talker aka Buni sa Labi // Halang ang Ngala-ngala
2. The Loud Mouth aka Walang Volume control // Sirang 'Mute' button
3. Mega Hyperactive aka Bona Kid // Laking Bear brand // Galaw-galaw
4. The Dirty Mouth aka Horny Harry // Chicken Ass Mouth
5. The Geek aka KIA: Know-it-all
6: Hangover aka Parating hangover
7: Buzzer beater aka Late comer
8: Sirang Plaka aka  sintonadong singer // Tone Deaf


..ipapaliwanag ko sana kung ano yung mga description nila pero tinamad ako bigla. wahahahha.. ^___^


'Nga pala: meron kaming bagong kapitbahay and take note, tagalog. woot woot. mapractice na nga tong Filipino Communication Skills ko minsan.




Pahabol: Congrats nga pala sa AZKALS. astig nyo! sa sobrang astig, d ako makatulog kanina sa kakahintay nang alas 7 para sa Live coverage. Ang ending? nakatulog ako nang 6PM. Sheyt naman. news nlng yung naabotan ko pag-gising. amf. pero hey hey hey pa rin!

Tuesday, February 8, 2011

~ Outerspace..hyperspace

enjoy dito sa space. woot woot.

"I need space..."


..ito ang katagang kadalasang nabibitiwan ng mga taong halang ang bibig, halang ang sikmura, pangit,ilusyonada, adik, frustrated astronaut at nasa gitna nang isang masalimuot na relasyon. ewan ko bat naisip ng kung sinong nakaimbento nito ang gumamit nang salitang space. gusto ba nya talagang pumunta sa space? o makati lang talaga ang pwet nya't gusto nyang mawala tayong lahat sa mundong ibabaw para sa kanya na lahat ng space sa mundo? hindi ko lubos maisip kung bakit nila na isip ang salitang space kung ang kelangan naman nila ay panahon na mapag-isa. confused much? pero sa totoo lang, di naman kelangan ng mga mabulaklaking salita para maipahayag ang tunay na saloobin. kung sabihin nalang kaya nilang adik ako (erase) loner ako (pangit!) thyme outh phow (jejemon?!) kilangan ko mapag-isa para mag-isip. db simple?! ayjusko!


...sa ibang banda, kinilabotan ako sa katatawa sa mga nababasa ko these past few days. Salamat sa katulong kaibigan kong si tabian much at nabalik na naman ako sa kababasa nang mga sulat ni bob ong. kakatawang isipin na merong taong nakakapagsulat nang mga iniisip kong na ek-ekan. d ko mapigilang mapagigil at magpagulong-gulong sa sahig (oa?!) sa katatawa sa mga libro nya. sa ngayon, natapos ko na yung 'mga kaibiga ni mama susan' at tinatapos ko pa yung 'ang paboritong libro ni hudas'. kating-kati na 'kong mabasa yung mga ibang libro. eeeee.. mahilig talaga ako sa libro pero nang umuso na yung teks, tagay at mag-jowa eh naiwanan ko na ung hilig ko. (pabulong, lapit ka) ayo ko kasing tawaging genius, o loser, o geek, o nerd, o kuliro, o weird. pero sa totoo lang, oras lang talaga ang kelangan ko.


kuha sa panglao, bohol.
..nga pala, di na gaanong umuulan ngayon dito sa cebu. na-eebak na sa galak lahat nang tao dahil d na nila kelangang maginvest sa mga bangka o mga floating devices. masaya na din ako't di na umuulan at parating nakadungaw ang araw. kahit na basa parin ako dahil sa pawis kong parang bukal. hoh! palapit ng palapit na ang SUMMER. woot woot. sana mapuntahan ko yong mga beach na plinano kong pag-aksayahan ng oras. woot woot. hoy junebiyatch! larga na ung planu ha? kating-kati na ung pwet ko!






Note: dumugo ung tinga ko sa kasusulat ng entry na 'to kasi d ako marunong magsalita ng tagalog. matatawa ka sa accent ko. bow.

Tuesday, February 1, 2011

~ Bloodline

ang dugo mas lapot o espeso pa kaysa tubig...





..dili gyud ikalimud ang ka-suod ug ka-sandurot sa kabanay ni Rhyzze. Kadtong niaging sabado, nasaksihan ko ang selebrasyon sa paghugot nga pagbalikos sa gugma ngadlo sa mga apohan nila Rhyzze. nag selebrar sila sa ika 90 ug 91 nga kaadlawan sa iyang lolo ug lola. didto ko na saksihan ang pagbulig, pagpangga ug tinug-anay nga pag-atiman sa matag-usa nga sakop sa pamilya. nakita nako na bisan ang matag pamilya, adunay gugma ug tinud-anay nga pagtagad sa usag-usa. kadto nga selebrasyon, walay bahid sa kabusaw. daw ilang gi-apod sa ubang mga taga-bukid ug silinganan ang grasya nga nadawat sa matag-usang pamilya. walay pagduha-duha nga gi-share ila ilang sa uban. tungod ani dakong respeto ug sa laing bahin, kasuya akong gibati atong panahona. respeto tungod sa ilang pagpangga sa usag-usa; ug kasuya kay wala man gud mi (sa akong kaugalingong pamilya) nakasuway ug ingon aning klase nga atiman sa usag-usa. bisan ako dili lumad nga romagos, wala (bisan kausa) gyud ko nila gipabatyag nga dili ko parte sa ilang pamilya. wala gyud ko kasuway nga ila kong gi-alienate o gipabati nako na usa ra ko nga taga-gawas nga nikalit lag butho sa ilang pamilya. wala gyud ko kadungog ug storya o bisan unsang klase nga paghusga sa akong pagkataw, akong giagian o akong gigikanan. ila gyud nuong gipabatyag nako ang kabaligtaran. diri ra ko naka batyag ug kasuod sa usa ka pamilya ug walay pagduha-duha nga pagdawat kanako. ug tungod ani, dakong pag pagtahod, taas nga pagtahud ug walay kinutobang pasalamat akong gihatag ngadto sa pamilya Romagos. ^__^


..sa laing bahin, wala gyud nuon ko kadayon sa akong planu nga moadto sa Carmen para makighimamat sa mga taga ZETS. na altrasaw na akong lakaw kay ako gyud gitilok ang panahon nga magkakuog mi sa akong bugoy nga si Aqui. Sa sunod nalang ko mokuog. Dili nako kahuwat nga makakuog mokat-kat nila. Puhon-puhon mayng lawas... nakatunga nuon ko sa among panagtagbo sa ACES-Mandaue apan kulang mi kay giuna man sa uban ang ilang mga lakaw. nahiubos ko gamay pero wala man koy control ato nila busa gipaningkamotan ko nalang nga naa mi gamay mahuman bahin sa among constitution. dako gihapon mig laktawon ug humanon. dili man sad ni namu mahuman kung wala ang uban kay gi-respeto man pud nako ilang opinion. unta mahuman nani aron makapadayon nami sa among planu.


ubang mga hulagway naa ngari >>> http://nieco00.multiply.com/photos/album/23/Grandparents_90th_Birthday_Bash




..lain pay ato. sa sunod na entry suwayan na nako magtinagalog ug eninglis. murag gisunggo sad kog suwat ani da.