Thursday, March 22, 2012

kalaban ng blogger




I'm stuck. There's no where to go. I'm stuck. 
I'm stuck, in this place full of mind f*ck.
I tried to go back but I lost track.
of things and inspiration, or where to attack.
In this deep hole, I'm still stuck.
In a blogger's enemy - f*cking Writer's Block. 



hay, nakakamiss ang mag-blog. kaso wala talagang pumapasok sa isip ko. :[
dyahe dito sa office. andami nang changes. kakabagot na talaga.

Thursday, March 8, 2012

Nieco's Beach Bumming Experience 1: Travel Camotes 2 [at last!]

At last! Am back my virtual friends! Sa wakas, naforward na din ni ateah pee ang mga pictures galing sa camera nya at matatapos ko na ang ikalawang yugto ng kwento sa camotes. 

At kung gusto nyong pang pag-aksayahan ang oras nyo, then go ahead and mag-backread na sa PART 1.
because beach bumming is a way of life. \m/

AGENDA 3: TOUR. --- continued.

San Francisco Bay

Entrance Fee: 0.00 or in other words, LIBRE.
Bay. White sand. Ayan, may idea na? :) Pwedeng magpa-ala-Bay Watch ang peg nyo sa haba ng shoreline. Magandang lugar para sa skimboarding. Thumbs up para sa mga swimmers league kasi ang haba kasi ng beach line  kaya ewan ko kung malulunod ka pa kayo sa lagay na yan.






Nakamamangha ang burst of colors ng sunset sa San Francisco Bay. Kaya bagay na bagay ang lugar para sa mga gustong mag-boom boom pow  magpaka-romantic.







Lake Danao
Entrance Fee: 20.00 Pesos

An 8-shape lake open for family picnic or barkada chill-out sessions. Pwedeng maligo pero hindi ko na try kasi naunahan ako ng malikot kong imagination. Too much horror movie. lol









Mangodlong Beach Resort

Entrance Fee: 20.00 Pesos











Pasensya naman at medyo delayed na ang post. Antagal kasi ng mga pictures ni ateah pee.
At tsaka tsaka merong mga sudden stir dito sa opis. 
Ipinagbawal na ang accessing sa non-business related websites.
 Pero dahil magaling akong mag-THE MOVES, natapos din ang entry'ng to. :P














Tuesday, February 7, 2012

Supplies din!

Kumusta naman suman?!


Hanggang ngayon, pending muna ang pagpo-post ko sa continuation ng Camotes Trip namin. Hinihintay ko pa kasi ang mga pictures from Ate Pee aka Mama Pig. Paging ateah peah. Anong petsa na!?


Hanyway, break from regular programming muna tayo ngayon guys para mabigyang pugay ang nabansagang 'BEST IN CANDID'. At eto ang mga ebidensya...
Basta kainan, walang pakialamanan.
Wala nang keme-keme, wala nang pose-pose.
Ang importante, ma-solb ang nag-aalburotong tiyan. ehehe

AT kung maka-timing man, eto naman ang kinalalabasan...


Pasintabi sa kumakain.
[nakalimutang uminon ng meds]


Subalit may mga pagkakataong naka-align ang lahat ng planeta at nakukuha ng lente ng kamera ang totoong budhi kagandahan pagkatao ni tabian. :]


Sa lahat ng mga kaladkarin, si Tabian ang pinaka-lasenggera masayahin. Binansagang ARA MINA ng mga kaladkarin. our lost sister from another mother, at ang nag-uwi ng BEST in CANDID, BEST in Grumpy kung Tom Jones, BEST in ALIGAGA kung SLEEPY at HORNY awards. Isa sa mga pinaka-matalik kong kaibigang may BIGGEST Body at Personality at heart. Hindi po ito paninira, akoy nagsasabi lang ng katotohanan.

HBD ATE! supplies din! :]



Wednesday, January 18, 2012

Nieco's Beach Bumming Experience 1: Travel Camotes (part 1)

Introducing.... The Nieco's Beach Bumming Experience.



This 2012, before everything blows out of proportion, naiisipan kong gumawa ng parang isang travel experience, parang travel blog na rin. Pero hindi ako sure kung makakaya ko. Simulan natin sa kick off ng taon, ang Camotes Island!


Tira Soundtrack!



videokeman mp3


Camotes Islands are a group of islands located east of the mainland (Cebu). It's composed of 4 islands - Poro, Pacijan, Ponson and Tulang. Ironically, Camotes Islands do not have kamote or sweet potato as its abundant delicacy, instead it boasts of to-die-for beach fronts, rich marine ecosystem and fresh clean ambiance. These islands though a bit far from the mainland is not as  shy as you think it is. Last year, they were awarded the prestigious 2011 UN Sasakawa Award for Disaster Risk Reduction. As a Cebuano and Filipino, that's something to be proud of.


This is my second time in Camotes Island. The island is the closest place to my heart because of the richness of the sea and unlimited supply of fresh clean air...away from the suffocating (weh?) dew of the city. 


Destination: Camotes Island
Along with 4 girls (Oo, ako lang ang lalake sa trip na 'to. Parang bugaw lang noh?) and body full of excitement, we quick-stepped our way going to Camotes Island right after shift. From the city, you need to take any PUV going to Danao City where the port going to Camotes Island is located. We took a 1-hour bus ride and before we knew it, touch down Danao City Port. Lucky for us, Shuttle Ferry had some kind of promo. Fare got dropped down to P100.00 from P180.00. Talk about savings. Hoh!

TABIAN: STATEMENT SHIRT. PERIOD.
I don't know if the discount was a blessing but the supposedly 2-hour boat trip became a grueling  4-hour wait. Bored? To death!

PIA: Hindi naman talaga ako nakakatulog sa mga ganitong byahe eh. *zZzzZz*
Tabian: Gutom! Gutom! Gut@#!@#!@!!~%#%^. Grrrrrr!! *she-hulk mode*
Osang: .... *drama*
Rhyzee: ... *reflect-reflect*
After super fun 4 hours, TOUCHDOWN CAMOTES. Sa kabutihang palad, naka-book na kami ng van. Nag-offer pa si Manong Driver na i-tour kami kinabukasan. Total Damage = 2,500. Oo nga pala, nakalimutan kong sabihing ang tanging 'PUV' ng isla eh ang 'habal-habal' o yung motorcycle. Charge varies from 50-200, depende sa layo. So kung iisipin, naka-jackpot na talaga kami sa van. 


AGENDA 1: FOOD!
Walang Jollibee, McDo o KFC ang isla. Ang tanging alam na fastfood ng mga taga-rito ay ang Baywalk BBQ. So off we go to Baywalk para sa lafangan sessions.
Kainan na!!!! Halatang hindi gutom.
AGENDA 2: RESORT. NIGHT RECREATION.
Gabi na kami ng nakarating sa resort. Ang planu eh mag-vi-videoke sana at magpasikat sa mga locals pero pukinijamby inulan kami kaya pahinga lang muna sa resort lang muna ang episode with matching noms-noms sa side ng tequila. Kumuha kami ng 1 room na non-aircon at agad-agad prenipare ang tagay. lol. TOTAL DAMAGE: P900.00 (room good for 2) + 300 (extra heads) = P1200.00. D gaanong productive ang gabing yun. Sobrang na drain ang energy sa putrik na 4-hours boat ride. Amp. Ngunit ngayon ko lang na realize, kahit anong pagod pag may alcohol ng nakahandusay sa harapan mo, tiyak lalarga din ang kasiyahan. \m/
Shots c/o sa 'Ngiti' ni Tabian.
AGENDA 3: TOUR.
Holy Cave
Entrance Fee: P20.00
Spelunking is another term for cave exploration. With the right guide and gear, it would be the best experience. Well, ours wasn't. The 'Holy Cave', as what the 'discoverer' called it is an underground, well, cave full of stalactites and stalagmites that 'looked' like images of Saints and Holy ones. I personally didn't quite get it. *Pahinga muna sa kaka-ingles* Tingin ko, depende naman kasi 'yan sa tao kasi meron talagang may very creative imagination at meron ding skeptic na di makaka-gets kung ano ang imahe. Sadly, isa ako sa kinda skeptic. Sabi ng Manong Driver/Island guide, dinala niya kami dito kasi magaling daw magkwento ang guide. Hindi raw aprobado ng baranggay ang lugar bilang isang lehitimong tour destination. Hindi ko na-gets bakit pero puting-pusang-gala nakuha ko din pagkatapos. Amp!
'Excited.'
Walang helmet. Walang gloves. Walang sapat na lighting instrument. At pasensya na, walang nakakapanindig balahibong happening sa loob. Kaya pala hindi aprobado ng baranggay ang lugar kasi hindi siya gaanong ligtas. Pero sobrang naging SAYA ng experience. Pansinin ang sumunod na larawan. :)
Fun or Fun-ished. Ang Saya ng mga pagmumukha namin ano?
*Resume English* The best part was that we were able to mingle with foreign tourists from UK and France. *joke!* Ang saya kasi ang hirap na ngang huminga sa ilalim at gumapang sa mga pasisikip na daanan, unti-unti ka pang nawawalan ng dugo dahil sa kaka-english. no choice pre kasi ehins sila nakakaintindi ng Pelepeno. Chaks!
Fresh air, at last!
Let's do a little exercise. Subukan mong ilagay ang ulo mo sa loob ng plastic bag. Ang hirap huminga ano? Tanggalin ang plastic bag. Oh diba, sobrang happiness?! Yan ang naramdaman ko pagkalabas. Nawala lahat ng pagod at ang mga plano kung paano paslangin ang cave guide. Unang naisip ko eh ang sayang mabuhay. Yahoo!


Bakhaw Beach
Entrance Fee: P5.00
Matapos ang pamatay'ng cave exploration kuno, it's time to noms-noms and chill by the beach! Ohyeah! Ang Bakhaw Beach ay isang public beach, syempre, white sand na pinong-pinong-pino. Over-looking siya sa isla ng ewan-ko-kung-ano. Ansarap ng sampal ng hangin sa mga pisngi at ang kagat ng init ay insakto lang. It was like heaven after that horrendous experience. (Kung maka-english naman oh). Nagkaroon din kami ng time na mas makilala ang Briton na si Eless at ang Prances na si Mariel. Chika-chika, chika-chika, swim-swim, chika-chika = gutom. Bow.
umulang ng PUKEMON ng araw'ng yon.
Best in bukaka: Mama Pig. Best in facial expression: BB Pig
Buho Rock
Entrance Fee: P15.00
Buho Rock Beach Resort is located on the cliff-side. It has no shoreline so to get to the beach, you have to go down its famous 1-million-gazillion steps. Goodluck nalang kung may call of nature o bigla kang ma-e-ebs. Main Attraction: Cliff Jumping. Hindi pweding hindi ko ma-try. After 36 years of waiting and 48 days of walking to take the edge off (feel ko nagamit ko na ang 64 ways para matanggal ng kaba), we finally jumped off. Yan ang isa sa mga disadvantage ng pagiging only boy ng trip, ikaw ang dapat mauna sa lahat ng hamon. Hoh!






Bukilat Cave
Entrance Fee: P20.00
Unlike our other cave exploration experience (Ulgh!), visting Bukilat Cave was rather pleasant. It's not as difficult to get into as stairs were already built to ease entry. The spot is also accredited by the local government so the area is well-maintained and safe for tourists. By the way, no need to get your hard caps, gloves or headlamps on. Because Bukilat Cave as natural light coming in. The ceiling has holes in them, while the bottom area has water which, you guessed it right, is suitable for swimming. According to our guide, the water level in the cave matches to the tide changes in the sea. If swimming is what you want then it's betterER if you visit the place when the tides are low (joke!) high.
newscaster lang teh?
Hello Pusod!

**************************

Monday, January 9, 2012

2012 Kick-off

rakenrol! *suki sa nga-nga*
WhutsUp People! \m/

Popularly marked as the year the world will end, I feel like 2012 is going to be such a big surprise. I don't want to focus on its negative connotation though rather, the killer fun adventures it'll bring. 
Let's all live BIG! Wala nang ibang oras kundi ngayon. Malay mo, baka mag end talaga ang world db?


Naku! Umiingles na naman sa simula. Ayan tuloy, kinakapos rin pagdating sa gitna. lol

Hanyway Hayway, what better way to kick this year off than with a big splash db? Ayan, teaser muna kasi kino-collate ko pa ang mga pictures.

Nieco's Beach Bumming Experience 1: Travel Camotes.





Tuesday, January 3, 2012

Nieco's Year-ender (final)

Ayan, tapos na video! not.


Walang shooting na nangyari kasi sobrang nalasing ang mga palaka. Ang agang nalasing. Potah! eheheh


Anyway, hongdami at hongsaya ng mga nangyari sa 2011. May mga flaws and all pero alam ko you guys would agree na 2011 is not that bad. Marami akong na cross-out sa munting bucket list. At dahil sadyang ipinanganak akong inggiterong palaka, oh eto yung balik-tanaw sa mga adbentyurs ng mga tsinelas ni nieco last year. 


[Insert Moves like jagger music intro]


Work-related Aftermath.
Taas noo kong isinisigaw na isa akong corporate slave aka Callboy. Hindi po for sale ang katawan ko bagamat alam kong maraming naghahabol pero yung callboy na tipong ang bibig at dila lang ang sandata araw-araw. Hindi naman siguro sekretow na andaming negative vibes ang  gumulo sa trabaho. D ako sure pero parang paborito akong pagbuntungan ng mga bad luck dito sa opis. Oh yes. ako na talaga. Ginawa ko na ngang stress ball ang blog. Ratatatatatatat nalang almost every month. Ay nako. Salamat nalang at may mga distractions. Salamat sa RnR team (which I am a part of. eheheh) sa pag-oorganize ng mga ganitong events. More positive work-related activities sana this 2012. At sana may increase na. ehehehe


Beach bums on the move. Another island conquered.
Unti-unting nanunyot ang balat ko at kumakati ang buni sa pwet pag sobrang tagal na ng panahon na hindi ako nakabisita sa dagat. Buti nalang at maraming akong kakilala na bitchbums anak-dagat. Hindi ko maiwasang ngumiti ng parang adik sa katol habang isinusulat ang segment na to. Andami pang isla sa pilipinas na pilit kong ini-ekis sa checklist. Sana ngayong taon, buhusan ako ni Daddy Jess ng maraming pera para mapasyalan ko silang lahat. Maraming palaka/syokoy/sirena din akong nakasalamuha nung 2011. This made each trip memorable and fun. :) Oh, tama na ang chika. Eto na oh.


February
March 
May
June
June

July
October

November
Ride and live.
I can say that I'm an adventurer. I enjoy the adrenaline rush but I hate the jitters it bring that moment before you get enough courage to jump in. Nonetheless, the ride is uber fun. Uhyeah!
longboarding, hell yeah!
La Union and Siargao.
Wakeboarding. May 2011.

Family first.
Romagos Clan
It is such an achievement for parents to see their children, more so, grandchildren as they turn of age. I was able to witness strings bound together by one common name. I can't help but feel blessed that General's family accepted with open arms.


This year we welcome 'Shiro' to the family. Isang makulit na Japanese Spitz


It feels going knowing that Aqui and Riz shares the same interest as I do - Beach Bumming. I hope to have more times with them on our favorite places. ^___^





Aside from paglalakwatsa, medyo marami-raming items din ang na cross-out sa bucket list ko. Ilan na dito ay ang...
  • Get a Inked.
  • Be an artist. At least attempt to be an artist.
  • Take a nude photo of self..
  • Learn to surf, wake, ride.
  • Climb and get a nude shot. (half-check kasi wala pang nude shot.)
Sabi nila, 2012 marks the end of the world. Naku, yan din ang sabi nila noong 2000. Wala namang nangyari. Pero kung totoo nga mangyayari yun sa 12.12.2012, mukhang kukulangin ang 11 buwan na pagbisita sa lahat ng lugar na nasa listahan ko.
Cheers to more adventures, mishaps, lessons, friends, money, travels, laughs and success.

Rock on bitches! \m/




Okay. Back to regular programming. Blog-hoping time!