Friday, May 27, 2011

Breaking the storm clouds

  
 "The only way to deal with an unfree world is to become so absolutely free that your very existence is an act of rebellion"





Break free.

Breathe Summer.

Feel the heat.

Rebel and let loose.

Let go of your inhibition.

Bask under the heat.

Feel the celebration.

Enjoy the drum beats and music, in general.

Simmer your inner thoughts with words from books.

Be random. 

Act crazy.

Love the warm touch of the sun.

Enjoy the last days....

Like it as it is the last.

Summer at its last few curtain calls.



*******

Have a stress-free and sunny weekend guys! 




Wednesday, May 25, 2011

Operation Wakecamp Zebu Dos




Confirmed. Wakeboarding is not as effortless, painless and temperate as it looks,
but is as exhilirating and electrifying.
Wakeboarding was a sport that I always would want to master. 


Aside from the fact that it involves water, it's definitely fun and challenging. 
So when TYN WAKE call the shots to bring OPERATION WAKE CAMP to Cebu for the 2nd time
around, I never hesitated and had myself listed pronto.

Hoh! dumugo yata ang atay ko sa kaka-inglis. 

As the 'day' approaches, I can't help but get stoked on the idea. 
Did some quick research on Philippine Wakeboarding and all.
Saw some cool stuff and flicks on wakeboarding.
I can't help but get more and more agitated on the idea of me riding on top of water.

Pero isip ko lang pala ang lumalaki. 
(hydrocephalus much?!)

Filed for a 2day Vacay Leave but I was deliberately denied. No choice.
Isa akong callboy, kinailangang kumayod para sa mga customers. **sigh**

With so little sleep (excited much?!) and brain-drained the whole night, 
the DAY busted in with a bang. 


But that can't stop this restless callboy to get himself a taste of that wipe out.
Puyat at gutom akong dali-daling pumunta sa SRP CEBU para sa event.

With Cobra and sting in my hand, and an ounce of pachydermial attitude 
(translation: kapalmoks ), I marched myself out to the event.
It was a sunny and positive morning.
Lahat ng tao, energetic at puno ng antisipasyon sa mangyayari.
ngiti dito. ngiti dyan...then suddenly...

pak!

si june biyatch at ako....over!

Nakaka-insecure ang sights, tsong! sobrang fit ng mga tao.
parang mga ginger bread men and women na may korteng pandesal sa tyan. amp.
nahiya tuloy akong maghubad ng shirt para masuot ang event shirt.
naghanap pa ako ng CR para lang makapagbihis, pero no choice, nilakasan ko na lang
ang loob ko at mabilisan (as in like 2 seconds) kong sinuot ang shirt.
hoh!

Quickie discussion kung paano mag wakeboard.
Ang challenging daw nito kasi by boat at hindi by cable so kilangan kong
maging ala-captain barbel sa galing.
naisip ko, 'i got this in the bag' (oy, inglis?)

Kaya, parang orasyon kong pauli-ulit kong binigkas sa isip ko ang mga panuntunan. ho!



Bend your knees. Always.
Hold the handle close to your chest all the time. But let go once you fall into the water. 
When you feel the tension from the boat, resist the force and hold the the handle close to you. 
Put your weight on your heel. Keep about 3/4 of the board inclined and submerged in water.
Do not deliberately pull yourself up using the handle.
Allow the force from the boat to pull you up.
Once you pop up, slowly bring the handle to your right and 
move the board to the position parallel to the board.
Enjoy the ride. Woot woot.



Yun yung mga instructions at pabalik-balik kong sinasabi sa sarili ko.

pabalik-balik. visualize. pabalik-balik.
parang sirang plakang paikot-ikot, paulit-ulit.
paulit-ulit.



READY. 


MY TURN......
unang try... splag! understandable kasi first try.
orasyon mode. paulit-ulit. na distract sa alon. mental checklist. 
second try...pak! understandable kasi second try pero may .01 inch improvement.
orasyon mode. sabay pangungutya sa sarili. hampas alon hampas.
third try...blags! d na acceptable. frustrating na masyado. 
negative 3 ang improvement. try harder. inum tubig. alon, hambas.
orasyon mode... sabay lunok ng mag-iisang litrong tubig, 
gawa ng sobrang hingal, pagod at hirap ng hinayopak na@#:!@$_!@.
orasyon mode. relax. self-soothing method. clearing head.
4th try...5th try...6th try...
splaks! stagatak! plangak! pak! stogs! 
deep breathe. orasyon mode. mental checklist.
#_$(!_Q!@IK!@$FKSA:FKA#_$_!)@+!
okay ready.
times up.
HANO?!?!

walk of shame. walk of frustration.
....
.
.
.
.
.
.
smiles. tawa. buhakhak. (baliw?!)

ambigat kasi ng tiyan kaya di makaahon. amp.

Mahirap? Yes.
Challenging? Yes.
Frustrating? Yes.
Exhilirating? Yes.
Fun? Yes. Yes. Yes. YES!!!


I may not have stood up during my tries but it made me realize that we need to keep trying.

The pros did not wake up one morning and did the breath-taking stunts. 
They practiced...a lot.

The Wakeboarders and Wakeskaters make it look soooo easy. 

Mas magiging madali sana pag mag cable park for wake boarding dito sa cebu, im sure magiging suki ako.

Parang kilangan ko talagang mag overhaul ng lifestyle. nakakainspire ang mga korte ng katawan ng mga Pros. parang mga nililok na kahoy lang. amp.


NOTE TO SELF: MAGPAPAYAT. MAGPALIIT NG TIYAN. MAG-GYM PARA MAKAAHON NXT TIME.

EXTREME NOTE TO SELF: LIPO.




Monday, May 23, 2011

new beginnings

..andaming nagyari last week at nung weekend. Pasenya at di ako nakabisita sa mga bahay nyo. medyo naging hectic ang schedule dahil sa kali-kaliwang bookings. amp. medyo na-hurt me nung nakita kong andami nang update ng mga paborit blogs ko. kilangan ko pang mag overtime sa pagbabasa sa mga shenanigans ng mga pepol. XD kaya hetow na ang isang birada ng mga collated post tungkol sa mga things that happened this week..


*********

1st Pictures from Canon Jellypish

aqui, the camwhore, with 'lightning mcCoy'

..a camera is not a necessity however if you want to capture the memories that took your breath away, you definitely want to get one. **umiinglis ha. amp** it was such a relief when canon sent me the replacement. read more here. I feel whole again. chos! can't help but feel secure knowing that I can always trap great moments. a single photo of an event or person can go a looong way especially when the wrinkles start to show. memories do get lost in the abyss so a reminder of those magic moments assures us that we can always relive those light/hard experiences anytime we want. hoh! 
cheers to JELLYPISH for the snaps!


*****************************

Ela plus 1
Happy BEER-day Ela.

eating is just not my thing.
A friend, a good one at that, does not need you to be with them 24/7. It's enough that you share a bond, a special understanding that remains strong no matter the distance. Ü


**************************

ACES-Mandaue turns 9

Association of Cebu Eagle Scouts - Mandaue 9th stroke
We go a long way. Started as frail-looking high school kids out for an adventure. An adventure we never thought we'd be able to get out. We've been to the worst and best experiences Scouting has to offer. Learned lessons the hard way but walked out strong and determined to succeed. We might not agree on the same principles all the time but the diversity of our views push us to heights even wise people dare not go. Being an Eagle Scout, a Boy Scout, is not determined by how you look  but how he lives and sees things. A scout remains a scout as long he nurtures that fire in his heart. This flock might be in a dormant phase now but the thirst for adventure and service will slowly propel it back on track. We prepare and strengthen for the days when the Eagle Scouts fly high and proud, eyes into the horizon..into the sun. Fly high, soar higher. Eagle Scouts lead the way. **huuuuwak!** 



*****************


umiinglis tayo ngayon. nakapag imbok over the past few weeks. eheheh


I realized that the event becomes memorable when you have great people to share it with. Cliche but true.







Wednesday, May 18, 2011

LXK Summer Sizzle

15.May.2011
Pacific Cebu Resort, Cebu

LXK Technical Support Center presents...
...

..ansaya at sobrang ngarag. bat naman kasi nagpaka-epal pa ako at nagpresentang maging Programs Committee head. pwede naman sanang sa Registration o Transportation nalang, hindi pa stressful. nak ng pusang kalye! sobrang istress ko tuloy sa kakatakbo at kaka-tsek kung uki na lahat. pati games at entertainment, ako pa ang nagsigurong planstado lahat. buti nlang at may ilang minuto pa ako para kumain ng lants. sarap ng kaon ko! not. ho!

..ang pagdiriwang nato ay para sa mga taong nasa kabilang linya ng telepono na sumusuporta sa mga problematic na mga hinayopak na mga kano sa tate at canada. itong selebrasyon na to ay parang breather from all that busy, ngarag at stress-fool calls. around 275++ ang headcount ng department, at as expected, sobrang dami ng pumunta. less than 100 lang naman. hindi naman ako nagreklamo, kasi ibig sabihin nuon andaming lafang and foodies ang nakabukaka para sa lahat. kahit tatlo o limang bese ka pang magpabalik-balik para mag refill sa buffet, go lang ng go. isama mo pa ang 6 na lechon. woot woot. idinivide ang mga tao into tribes - takaroa, kanaloa, perkunas at keuakepo. upon registration, binigyan lahat ng banda na palatandaan kung anong grupo ka nakahanay - magaganda o sa mga pangit. yan din ang groupings para sa games.

..andaming nagyari. may group games, banda2, raffle at yun mga usual na nasa company outing. sobrang dami ng nangyari pero sobrang tamad at pagod ako sa kakasiguradong nasa tamang landas ang mga kaganapan buong araw. sobrang enjoy kaya sa susunod, ayo ko nang mag organizer. medyo boring kasi alam mo na ang susunod na mangyayari, at kakakaba kasi baka hindi umayon sa planu ang mangyayari.

Sunday, May 8, 2011

Love you Mudras!


To the two wonderful and loving mothers in my life.
equally opposite in character, but mix very well.
One being the bad ass who pushed me out into this flip out world, 
the other being the thoughtful mother of my child who
 nurtured us and tamed our inner gargoyles. eheheh
 ^___^



--------------------------------------------------------------------------
GENERAL RIZ.
Ngiti palang, lahat ng pagod ay mapapawi niya.
Lalo na pag yakap, I'm sure, recharged ka na ng sobra. 
Sobrang lambing at mahinahon kung magsalita.
Pero pag nagalit eh parang baliw na pusa.
eheheh.. we love you momi riz.
~dadi and aqui

ang astig pero lambing na si general. ^___^

---------------------------------------------------------------------------------------

BAD-ASS MAMA EMYAT.
unique at out of this world ang style naman ni mama
parang barkada lang ang turingan, walang halong drama
astig at matapang sa una na ninyong pagkakasama
nakatago kasi ang malumay at malambot na ina
kahit na di ka gaanong nagpapakita ng iyong nadarama
alam kong mahal na mahal mo ako, mama. 
We love you. rock on! \m/

my bad ass mama emyat.

----------------------------------------------------------------------------------

Friday, May 6, 2011

eto na..eto na...eto na.. waaahhhhh...

...4 months ago, napaglaruan ako ng tadhana at parang nasaksakan ng tinidor ni aquaman ng ihampas sa mukha ko ang balitang sobra ang pinsala ang naranasan ng pinakamamahal kong underwater camera (canyown submarine) dahil sa pagkakabasa sa tubig. (?!) weird noh? d ko rin maintindihan pero parang destined na talagang mangyari yon. MORE HERE...

alam ng karamihan na sobrang ang pag-iingat ko sa camera kong yon. kasama ko siya sa pagkain, katabi sa pagtulog, kalaro sa umaga at ka kwentohan sa gabi.., Si canyown submarine kasi ay katas ng pagiging callboy at resulta na ng isang milyon 'thank you for calling dell'. di ba pag ang isang bagay ay katas ng pawis at dugo mo'y sobra ang pagpapahalaga ang ibinibigay mo  dito. kaya, hindi na siguro naging question kung bakit ganon ka OA, exagge, tindi ang sakit ng naramdaman ko ng malamang kinailangan kong maghintay ng matagal. 

Subalit, kailangan ng mag move on. ibaon sa limut ang pait, galit at pighati. Sapagkat, ang diyos ay mabuti at binibiyayaan ang marunong maghintay. kaya last week lang, nakatanggap ako ng sobrang gandang balita sa pamamagitan ng eletronikong liham....



Muntik kong mabitiwan ang mainit na kape na iniinum ko (sosyal) nang mabasa ang liham na to. inilagay ko ang kape sa workstation ko at parang piping napasigay nalang sa tuwa. sobrang naging excite ako sa balita. woot woot! 

as scheduled, sa sumunod na linggo, tinawagan ko ang Canon Cebu Branch tungkol dito. Kinailangan pang maghintay kasi wala pa daw. nainis ako kasi parang na-set na ang expectations ko na delivered na xa as promised. kailangan ko pang maghintay kasi expected na darating ang package sa susunod na linggo pa daw. So 2 weeks after receiving this email pa! Nang-init ang ulo ko pero ayokong mag reklamo. basta ang importante eh parating na siya.

At last, ang pinakahihintay na linggo. Matapos ang sobrang paghihintay at mala-lost-and-found-dahil-sa-katangahan-ng-SILICON-VALLEY ordeal eh nakakamit ko na ang pinakahihintay at pinakamamahal kong gadget. parang mangiyak-ngiyak ako ng makita ang camera. (OA!) d ko maitago ang saya at ngiti ng makita at makapiling ang bagong canon d10 ko. happiness! natawa nalang si general ng makita ang OAng reaksyon ko. ehehehhe.. 

kaya guys, ito na.
**drumroll**
..........
..........
...
......
**crowd screaming**
.
.
.
.
.
.
ang bago at mas pinagwapong (kasi wala ng scratch) si...

**audience clapping**

JELLYPISH!






masaya ko ring ibinabahagi ang bagong kong investment...


Apexus tadpole tent. 
woot woot.


HAPPINESS!

Tuesday, May 3, 2011

hippie beedee chikas!

..parang divine right na ng birthday celebrant ang immunity tuwing sumasapit ang araw ng kanilang kapanganakan. 'we let them get away with almost anything', naks. siguro hinahayaan nalang natin ito dahil parang may kabayaran naman ang kanilang kabulastugan - libreng chibog, tagay, parteeh. eheheh.. di naman ako nag rereklamo kasi bahagi na talaga ito ng nakagawian nating mga pinoy. kaya last weekend, dalawang partey ng pinakamamahal kong mga chikas ang ipinadiriwang namin. ehehehe.. iisipin mong sobrang dami kong nakain pero ep ep ep,nagkakamali kayo. as useless, late na naman ako sa mga party. baso at pitsil na lang din ang naabutan ko. eto na talaga ang naging role ko. ang maging party crasher at the late comer. kaya di na rin ako gaanong nagrereklamo. ehehehe

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Apri 30. 
10:00 PM. Outpost, Cebu
12:00 MN. Route Stop


purple rockstar! \m/
Tanyag sa mga palayaw na, osang, rhamz, epril, apple at kung ano pang anik anik. pero tawag ko sa kanya ay MAT. mahigit sa 5 years na din kaming mag kakilala. sobrang nag si-synch ang utak namin 'pag dating sa kakulitan. masasabi kong parang isa siya sa mga kapatid ko sa industriya. naks. ehehe.. di ko naabotan ang kainan sa bahay nila kasi sobrang sarap ng tulog ko. kaya sinubukan ko na lang makarating sa after party kasama ang mga EWIT Moutaineers. kwentohan at meet-greet sa ewit ang nagyari. note: inispog ako ng zets. medyo may kataasan kasi ang standard nila. hindi ko maabot. mabuti nalang at kinopkop ako ng ewit. :) sadly, kinailangan kong umalis ng maaga. nagutom kasi kami ni riz kaya bumatsi na kami. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

May 1 - May 2.
06:00 PM. Pollo's Residence 
08:00 PM. Jessa's cousin's Place
12:00 MN. Payag, Panagdait
Celebrant: Jammy Rose Pollo



teal hippie. ~~,
Since highschool pa kaming mag babarkada. masayahin at masarap ka-kwentuhan si jammy rose. medyo may santik ng utak din tong batang to pero sobrang cool. idol na idol when it comes to her style. aaminin kong may mga bagay akong nagustohan dahil sa kanya. di mo kasi maikakailang may taste talaga tong batang to. masarap na kasama si jammy at ang DGKWB friends. kaya sa kaarawan nya, small gathering of very close friends lang nangyari. nagsimula si dinner sa bahay nila (nakaabot pa ako, di gaanong late. mga 1 hour lang naman). nag-antayan at pagkatapos ay pumunta na sa bahay ng pinsan ni jessa. salamat nga pala sa effort jessa marie. mix mix lang ng mudslide at, ibinigay na namin ang munting surpresa. red t-back dahil dalaga na si jammy. (late bloomer lang din kasi. ehehehe).. pag apak ng may 2, which is birthday na nya, sing-your-lungs-out ang drama namin sa payag. bago naman matapos ang gabi madaling-araw, may inihandang surpresa ang barkada para sa kanya. pinaupo muna namin si jammy at walang kamalay-malay sa mga pangyayari. tsinichika muna xa ng grupo para madistract at bago pa man din xa makatunog na may mangyayari......splat! basag ang itlog sa ulo. ehehehe.. natawa nlng kami lahat sa reaksyon. parang napalakas yata ang pag hampas kasi durog na durog ang itlog. 


egg splat!






ito na ang hudyat ng bagong simula, 

ang bagong kabanata sa buhay ng mga dalaga. 

maligayang kaarawan mga kaibigan.

naway bigyan kayo ni daddy jess ng maraming surpresa sa mga darating na araw. at kagaya nga ng palagi kong hinihingi kay daddy jess, sanay ulanan nya kayo ng grasya at monogamous up-to-top satisfactory sex life good health.
 ^___^








more pics >>> 

Monday, May 2, 2011

Doodle me bored dos



..part 2 na ng produkto ng pagiging workaholic ko. eheheheh

sa doodle nato, ipinakikilala ko ang mga karakter na tumatak na sa utak ko.
yan ang mga animation ng mga paborito kong mga team mate.
sobra kasi silang nakakatuwa at nakakapang-init ng ulo.
kilangan kong maisalin sa mga larawan at kulamin sila para
makaganti ako. eheheh.. jokes lang...hindi din.

anyway, medyo lumulobo na ang utang kong mga entry.
andami nangyari last week and this week. antabayanan nlng ang
mga walang kwenta posts. eheheh.
tsaka, meron pa rin kasi akong hinihintay...

eng eng eng
....

.
.
.
.
.
.
....
.
.
...

....
...

**stugs!**

parating na uli't si canyown submarine! woot woot.
matatandaang nasira si canyown submarine at kinailangang ma confine.

kaya sobrang saya ko nang matanggap ko ang isang 
email galing sa customer service ng canon.
napatalon ako at napakanta ng happy yipee yehey sa
sobrang galak sa balita.
konting paghihintay na lang. woot woot.

nga pala, andaming nag burtday this weekend!
lahat puro chikas. ehehe
antabayanan ang mga entry para sa kanila. 

pero sa ngayon, happy ako. kahit bored and unsatisfied dito sa work place.
meron pa rin palang mga nakalaang surpresa si daddy jess. 
^___^