..kagaya ng mga taong laki sa 90's and early 2000, naging salat kami sa mga karangyaan sa buhay. ang tanging pinaka-high tech na gadget namin nuon ay TV radyo at family computer. wala kaming di film na camera o cellphong kasing laki ng ipad o kahit anong bagay na pang-aksaya lang sa kuryente. OA sa kamahalan ang mga gadget nung panahong yun kaya tinatanggap ko na lang ang katotoohanan na magiging magnanakaw ako paglaki ko para makabili ng mga litsugas na pang-aksaya ng kuryente. dumating sa puntong mag wi-window shopping ako para itamla sa kukuti ko ang mga bagay na gusto kong bilhin.
(insert pa-senti music here)
kaya nung sobrang yumaman na akow at milyones na ang kinikita ko, naging chicken na lang ang bumili ng mga gadgets. nagsimula to nang maging alipin ako sa abusadong industriya ng pag ko-kolboy, pero in return naging level 98 naman ang buying powers. kaso ang balakid na di ko mabuwag-buwag ay ang actual na pagbili sa natitipuhan. ewan ko ha pero pag wala pa akong dough o pera, andami kong naiisip na bilhin. pero pag umulan na ng kaching, di na ako nag kakainteres bumili at nakakalimutan ko na ang mga na ii-spot-an kong mga gamit. ang ending, sa pagkain ko na lang naibubuhos ang milyones at balik na naman ako sa square 1 kung saan lumalabas ang mga bagay na plinano kong bilhin. kaya naging uso sakin ang impulse buying kasi pag binigyan ko pa ng 1 minuto ang sarili para mag isip, ay tang inang ebak, sa pagkain naman mapupunta ang pambili ko ng gadget. samakatuwid kung may nabibili ako na pinaghirapan ko talagang ipunan o inantay, sobrang malapit na malapit as in super close siya sa puso ko. airport subrang affort.
you're my precious. amp. |
..kaya mahal na mahal ko siya. sobrang malapit siya sa puso ko. 'tong maliit na piraso na pang aksaya ng kuryenteng to. ito kasi ang unang gadget na di ako nag impulse buying at sobra ko pinag-ipunan. swak na swak siyang travel buddy kasi di siya naluluray pag nababasa. perfect kung perfect kasi mahilig talaga ako sa beach at tubig. palagay ko nga jelly fish ako in my past life. marami-rami na ring alaala ang capture ng mala-submarine na camerang to. kaya ng nagkasakit xay, sobra akong nalungkot. ramdam ko ang sakit ng taong nawalan ng aso, ng pitaka, ng sexlife, ng virginity o ng parte ng pamilya. uu, naging parte na xa ng buhay namin. naging malapit na xa sa kalooban ko. nawalan ako ng kaibigan at katabi sa malamig na magdamag. huhuhu (insert pa-senti music here)... nasa paayosan siya ngayon. nasa service center. ang sabi 15-30 days bago siya makalabas. pero nang kumustahin ko siya, ang sabi 2-3 months daw. pisting yawang inatay naman oh. masakit na isipin pero wala akong magagawa. hay.
CAnyown Submarine, pagaling ka ha? bilisan mo ang pagbawi sa lakaw na nawala sa 'yo. andito lang kami, ang pamilya mo, nag hihintay sayo. pag uwi mo, mainit na yakap at nangungulilang mga yapos ang sasalubong sa'yo. bilisan mo. miss na kita. miss ka na namin.
CANON SERVICE CENTER AT SILICON VALLEY,
anong klaseng pag-ayos ba ang ginagawa nyo sa kanya!?! mag usap nga kayo kung anong petsa nyo siya isasauli sakin. putang teteng na malagkit na suman! ilang technician ba meron kayo diyan? saang lupalop ba ng pinas nyo inaayos si canyon submarine? naisip nyo ba na may LBC, Air21 o JRS Express para sa madaling pag de deliver?! anak ng kolera!
On a serious note:
Hindi ko inexpect na may ganitong klaseng attachment ako sa mga inanimate na bagay. ganito pala pag sobra mong inasam ang isang bagay. abot langit na pag papahalaga ang naibibigay mo dito. cliche pero 3 points pala talaga ang kasabihan na aanhin ang kabayo kung damo na ang uso. mali. aanhin pa ang damo kung shabu na ang tinitira ko. ang pakla pakinggan. iba na lang nga. you'll never miss the water until the well runs dry? tama ba yon? sapol na sapol talaga ang entry ni An Indecent Mind. Things, Gadgets are like people when you truly put importance to them. But things/gadgets remain inanimate. Di pa rin dapat ipinagpapalit ang mga tao. Kaya nga di ako nagalit sa nakasira sa camera ko. **big grin** wait ka lang ha pag nagkita tayo. **biggest grin**
watch out ka lang friend. ^__^ |
kawawa ka naman..sabi ng canon at silicon valley dead na dead na daw c canyon mo..condolence brad..:p hahahaha!!!
ReplyDeleteHaha ako rin kapag may pambili na ako nag-hehesitate ako, pero binibili ko pa rin pero nandun yung guilt. Madali kasi akong magsawa sa mga nabili ko... Condolence na lang dun sa friend mong nakasira ehehhe
ReplyDelete@jeyni: susmaryosep. kilabutan ka sana. wag ka sanang maging anghel at baka matuluyan si canyon.
ReplyDelete@sir glentot: goodluck nalang sa kanya sir. sigurado armalite ang haharapin nya. :P
aw, ganyan sa service centers, may katagalan kumilos at umaksyon. timpi nalang ang magagawa mo or kung under warranty- i-DTI.
ReplyDelete