Saturday, December 31, 2011

Nieco's Year-ender (teaser)

Why hello thur! (pang- Jepot lang na greeting...) ehehhe

Parang lahat ng tao merong obligation na gumawa ng year ender. At dahil sadyang inggitero ako, gagawa din ako. Kaso hindi ko lang muna ipo-post kasi hindi ko pa natatapos. eheheh

Ang original plan eh gagawa ako ng video kasama si Maldito at Tabian. Pero feeling hollywood celebrities ang mga palaka. Andaming DEMANDS! Antaray!

Kaya habang hindi ko pa natatapos ang entry at nagagawa ang video, teaser muna tayo. :D



Wednesday, December 28, 2011

Summary Post 5: Books over toys

I was always fascinated with books. As a kid, I have pictured myself writing my own when I grow up. I always enjoyed drowning in the pages and pulling out creative energy out of my wits to bring characters into life (at least in my head).

While other kids enjoy playing in the rain and running their hearts out, I took pleasure in the comfort of our couch with a book in hand. You see, Emyat (mudra grande) didn't allow me to go out and mingle with the other kids. As to the reason why, that I don't know. That explains why I never knew how to play ball or any physical team sport for that matter. I have to sneak out and tag along with my cousins but I felt out of place most of the time so eventually, I head back home and  play with my imaginary friends.

Over time, I gained enough courage to break the rules. With that, I slowly walked out of the bookworm I once was and became the rebel. Don't get me wrong, I still read once in a while but I guess the intensity was not there anymore.

I never bought a book in my life. Some of once I had were either bought by Emyat, stolen or borrowed. I have gotten used to those 3 options that buying my own seems stupid. It feels wrong and wasteful. So I never ever did get my own.

It was just this year that I reconnected with the kid inside. It felt good to get in touch with something familiar..something distant but now within reach. The weird part was that the books that tickle me were the exact same books I dreaded when I was young. Dreaded, not because of the content (because I never even bother turning up any page) but because it feels so cheesy and baduy. 

I admit. I do not like books written using our own language. Discriminating, yes. But I never thought that writers from own roots can contest with the famous foreign writers. I never thought I'd enjoy this much but I did. Big time. 

So I went for it. Bought my own. I wasn't too happy about the content though. It was shallow but this is not a book review. This is my personal note to myself that sometimes, authors just have varied way of 'attacking' topics.

I admire the way these people - writers and journalists. I salute them for constantly bursting colorful energy into the universe. 



STOP. STOP. STOP. STOP.

Ngayon na gets ko na kung bakit hindi ko natapos ang entry'ng to. Again, sobrang nakakapagod. eheheh.. Engligh kung english ano?

Anyway, as of this writing, may tinatapos pa akong libro. Mga 50 years na din to. eheheh..

Punto ko? Wala. :)








Tuesday, December 27, 2011

Monday, December 26, 2011

Summary Post 3: Party Rock

Ilang araw nalang, welcome 2012 na! Kaya crunch time ako sa posts na panis. ehehehe


LXK TSC Year-ender: Party Rock
Date: December 10, 2011
Venue: MO2 Bar & Resto
Theme: Party and Rock. Inspired by LMFAO's Party Rock.



nga-nga kung nga-nga!

Parties. Isa lang ang ibig sabihin, walang pansinang kainan. Sabi nga nila, all work and no play makes nieco cranky.


Katatapos lang ng year-ender ng department namin. Inspirasyon ng party ang kanta ng LMFAO. Glam rock na may touch ng glitter at colors.



Isa ako sa mga organizers ng event. Masaya pero sobrang nakakapagod. Yung tipong, ilang buwan mong pinagpagurang planuhin ang detalye ng party pero on the day itself, andaming mga bagay na nangyayari na hindi mo inexpect. Wa choice, go lang ng go.


Hindi na din ako gaanong na-amaze sa program kasi alam mo na ang susunod na mangyayari. Mga surprise numbers? Eh alam ko na na kakanta yang mga boss mo eh.  Kantyawan at sigawan lahat. Ako? Busy sa kakatakbo para iprepare ang susunod na segment. Ho! Kakapagod na maging floor manager! 


Ang fulfilling part lang talaga eh yung pagkalingon ko, kita ko ang mga ngiti ng mga tao, ang mga halak-hakan at tawanan. Nakahinga din ako ng malalim. Sa huli ang importante eh nag-enjoy lahat. 


Pero pramis. Last na to. Ngarag na kung ngarag ako nang umuwi. Naghalo na ang pagod at kalasingan. And the worst part is? Back to reality - corporate slave mode ulit. bummer.













Saturday, December 24, 2011

Happy Holidays!

Mula sa amin ni Aqui at General Riz,

Maligayang Pasko at
Manigong Bagong Taon!


Friday, December 23, 2011

Summary Post 2: Latagaw sa Siargao

Sobrang panis na ng post na to, inuuod na. eheheh


Latagaw sa Siargao
Known for its thundering and death-defying waves sure to blow you off your boardshorts, Siargao Island is s a tear-drop shaped island in the Philippine Sea situated 800 kilometers southeast of Manila in the province of Surigao del Norte. That, according to Mr Wiki. But to us beach bums slash thrill seekers, Siargao Island is a haven of pure adrenalin.


Imagine. 5 days. 4 beach nuts. 1 island paradise. It couldn't get any better than this. Oyeah!


Day 1: Cebu to Siargao Islands
Along with marine biologist turned callgirl Pia Bianca, nurse turned blog-bitch Tabian and gadget geek turned restless slipper June Biatch,  we flew via Cebu Pacific Airlines from Cebu to the island paradise. We just got out from our graveyard shift but even with almost zero physical energy, it didn't stop us from dragging our feet to our number 1 destination. 


ETA CEB-SUR: 12:45NN
The short wait was over. Landfall: Surigao City. Surigao City is such a laid back town. It reminded me of my wife's hometown. Cozy, supine but very vibrant. Vibrant in a sense that this is the gateway to our destination so expect to see foreign tourists here and there. (Ewan kung saan papunta tong ingles ko. Hoh! Paninindigan ko to!) It was crunch time for us then since the last trip for ferry boats bound for Siargao is at 13:00 hrs. Have you seen Amazing Race? Did you notice how frantic they get everytime they arrive in a new destination? Well, we did just that. But we didn't make it. With excitement still at its flare, we decided to look for other options. But luck wasn't on our side then. We decided to just call it a day and recharge in a nearby pension house. Goal: Wake up uber early and board the first trip going to Siargao Islands. 


TOTAL DAMAGE:
Airfare: Promo fare
Fare to Port = 8.00 each
Lunch = 100.00 each
Pension House (Metro Pension, not sure) = 250.00 each
Dinner = 100.00 each


STOP!


Ngayon, naalala ko na kung bakit, napanis tong entry'ng to. Eh anak ng butanding, nagka-mens ako sa english! homay! 


Ang hirap palang maging travel blogger, andaming ico-consider! Sumakit ang dimples ko sa pwet sa kakaisip ng mga salitang ugat. Naku naku naku...


Tama na nga ang kaplastikan pre! Oh, etoh nah.


Nang dahil sa paranormal activity 3, makagising din kami on time. Achievement yun considering na hindi pa kami naka-quota sa pahinga. Anyway, meron lang akong ilalag-lag. NOTE: kung naka-abot ka sa puntong to, huwaw! bilib naman ako sa sayo. pinag-aksayahan mo talaga ng oras ang post na to. (siguradong bugbog sarado ako nito kay ....) Lingit sa kaalaman ng lahat, hindi nakakatulog ng mahimbing si tabian pag walang kulambo sa pwet este sa paa. No kulambo = cranky tabian. Weird noh? :P
anong problema pee?
Second time ko na sa Siargao. Pero ito ang pinaka-matagal kong stay dito. Chillax lang ang main goal ko sa bakasyong to. Syempre naman, may porsyento ang surfing pero ang main goal lang talage eh, makapagrelax.


Tama na nga ang sat-sat. Nasa kay tabian ang ibang mga kwentong nangyari sa Lingaw Siargao na lakad namin.


So anong nangyaring memorable sa Siargao?


1. Seasick.
First day palang namin sa Siargao. Wala pang 12 oras. Wala na. Labas bituka na si Nieco.
D ako sure kung sa kinain ko bang sobrang fatty'ng adobo o dahil sa excitement pero uu, sumuka ako ng bonggang-bongga. Matapos mananghalian, nagkayayaan na magsurf na agad sa katabing isla, ang Daku Island. Nung nasa bangka pa kami, medyo kinakabahan na ako. Ikaw ba namang walang active lifestyle liban nalang sa typing ang agad-agad na isasabak sa surfing. At take note, hindi sa parte na abot mo ang seabed; dun talaga sa malalim na part. So, do I have to spell it out? Ayun, nakapagsurf naman. Pero malipas ang ilang minuto, nag-iba na ang paningin at pakiramdam ko. Pagkasakay sa bangka, ayun, parang binasiwas lahat ng kinain ko. Amp. 


Lesson: Huwag kumain ng adobo bago mag-surf. 
naumay sa taba. amp.
2. Nahimatay si Bokya.
Bigla nalang ayaw mag-ON ni Bokya, ang underwater camera ko. Ewan ko anong nangyari. Na sad ako the whole time kasi d ako maka-capture ng mga moments. Buti nlng may dalang camera yung iba. huhuhu (to date, uki na po si bokya. kinailangan lang ibilad sa araw ng matagal para matuyo. ehehehe)


Lesson: Siguradohing underwater camera nga yung camera ninyo. Tsk.


3. Surfing is hard but my jollibee, it was so freakin' fun!
Natutunan kong ang hirap pala ng actual na surfing. Sobrang nakakapagod! Umabot sa puntong feeling ko paralisado na ang mga braso ko sa kaka-paddle! Tapos nakakalito ang pumili ng magandang wave. May factor pa na kelangan mong ibalanse ang sarili mo sa board. At wag kalimutan, pag nahulog, sakay uli't sa board. naman! ramdam kong parang aso na ako kung humingal - labas dila. Argh! Nga pala, kumpara nung nagsurf kami sa La Union, mas mahirap ngayon kasi reef break tapos sobrang lakas ng alon. Kinailangan din naming matutong mag-paddle kaya doble talaga ang hirap.


4. Camwhoring + Jumpshots + Feelengarang Frogs
Need I say more?




5. Dagat. Dagat. Dagat!


6. Great company.
Merong mga moments na nag-di-disconnect kami nila pero buti nlng at magaling na mga negosyador ang mga kasama ko kaya, all good and happy pa rin.




7. Beach bumming to the nth level + picture taking.


8. Mga wala sa tonong trip.


9. Naked Island.
Sabi naked db? :)


10. Welcome Home Party. 

ayan! kitakits tayo dun sa September. International Surf Competition kasi daw dun.
Salamat sa Tiger Rose Surf Camp, kina Kuya Tatski at sa crew nya. 

Kitakits mga peeps. :)







Summary Post 1: Kasalan Much

Kumusta mga kaibigan kong makata (feel na feel oh!). Medyo mataas-taas din na panahon akong namahinga mula sa pagbisita dito. Andami kasing nangyari dito sa shithole opisina. Medyo nawalan ako ng gana at tsaka, na-ka-capture ng computer kung anong ginagawa ko online. 


Anyway highway, andami ko nang backpost. Ang ending? parang pudding nalang. ipinagsama-sama ko nalang ang mga same genres. simulan natin ang updates dito.


KASALAN MUCH
This past few months, andami kong kaibigang kinakasal. Sinimulan ng barkada ko nung highschool, tapos nag sunod-sunod nang nagpakasal ang mga tao. Okay na din yun para tumino at lumagay na sa tahimik tong mga lasenggong to. Kaso,  sa limang kaibigang ikinasal within the past 6 months, dalawa lang ang naimbita ako.  The rest, gate crasher ang drama.


Di ko maiwasang maging masaya para sa kanila. Masaya dahil natagpuan na nila ang isa't-isa. Alam kong hindi madali ang maghanap ng labandera mapapangasawa. Kaya sobrang humahanga ako sa katapangan nila. Hindi kaya biro ang habambuhay kayong magsasama sa SARAP HIRAP at GINHAWA. Maraming mga pagsubok ang raragasa at susubuking sirain ang inyong pasasama. Pero alam kong malalampasan ang kahit anong problem. PAG-IBIG ang syang mananaig sa huli. naks!



Isa sa mga di ko makalimutang araw ay ang November 30. Maliban sa araw ng kapanganakan ni Andres Bonifacio (Bonifacio Day), ito ang mismong araw na napagdesisyonan ng isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan na simulan ang buhay pamilya. Sobrang naging honored ako kasi kinuha nya akong abay mula sa milyong-milyong tagahanga. Unang beses ko din itong maging parte ng kasal, liban na lang nung panahong bisita lang ako. Alam kong magiging maligaya kayo sa piling ng isa't-isa. Cheers to more years of blissful days with each other! Congratulations mah friend! 




A part of you has grown in me. And so you see, it's you and me together forever and never apart, maybe in distance but never in heart... -anonymous






ayan. kabaong nalang ang kulang. solb na! ehehehhe



May pahabol pa pala, ikakasal ang barkada ko nung HS sa 24. Oh, db, tipid sa handaan. ehehehe