~ ang homecoming ni FIL
.. last thursday, nakatanggap kami ng tawag galing sa mudra ni general na on the way na sila from the northern part of cebu going to airport para mag welcome party. mag ho-home base na kasi galing overseas ang pudra ni general. obvious sa boses ni MIL na di magkamayaw ang excitement nilang makapiling uli't ang alpha male ng pamilya nila. ilang buwan na din mula ng huli nilang makasama si FIL. Si FIL kasi ay isang seaman. So dahil sa nature ng trabaho, given na maiikli lang ang mga family moments nila. 1-2 months to be specific. kasi pag tumagal pa, eh siguradong magiging galonggong na ang uulamin umaga hanggang gabi pati midnight snacks. tumitigil kasi ang daloy ng sweldo pag wala ka na sa barko. kaya napipilitang lisanin ang pamilya at makigsapalaran muli sa gitna ng karagatan, para kumita. **sigh** bitter sweet situation talaga pero kilangang maging matatag para sa pamilya.
ayun, alsabalutan lahat ng clan para mag antay sa airport. gusto ko sanang mag antay pero gutay na gutay na ang katawan ko sa magdamagang pag type at pag-upo sa harap ng kumpyuter. sobraaaaang pagod ko kaya minabuti ko na lang maghintay sa bahay at 'matulog' ng madaliang slight slight kasama si general. na-convince namin si MIL na sa kung saang resto nalang kami pupunta kasi kilangan pa namin mag ipon ng lakaw dahil may trabaho pa kinagabihan.
7:00PM. homecoming dinner kasama ang buong ouano clan sa joven's grill park mall. ngarag kaming pumunta ni general. bakas sa mukha ni general ang magkahalong saya, kaba, sabik at gutom. habang pinagmamasdan ko siya, di ko mapigilang mapagtanto kung ano ang feeling ng may hinihintay na pamilyang OFW. wala kasi akong direct family na OFW. hindi ko rin na experience ang masabik sa pagdating ng pudra ko kasi matagal na siyang patay para sa kin. i grew up without a father. my mother is not a pig was both a father and a mother to me. napa english sa ka ka emo. sa totoo lang, hindi ako ang tipong nakaka-relate sa mga ganun. wala kasi siya nung mga panahong kilangang-kailangan ko ng ama. subukan mong mag camping sa boy scout kung saan lahat ng mga kaklase mo ay hila-hila ang kanilang mga pudra, habang nasa isang sulok ka kasama ang lola mo. o mag father and son day na dali-daling kinakaladkad ng mga kaklase mo ang pudra nila at ikaw ang nasa hulihan kasama ang tiyohin mong lasenggero. subukan mo!!! **wooosa. wooosa.** okay, relaxed na ako. balik sa kwento. kaya ayun, blanko lang ako on the way pero di ko mapigilang maging masaya para kay general at sa pamilya nya.
kita ko sa mata ni general na medyo nag skip ang puso nya ng makita ang kumpol ng pamilyang kumakain. masaya sya pero kinakabahan. ako? gutom at excited makita si aqui, ang anak ko. positive ang environment. puno ng tawa at pangungumusta. kitang-kita ang pagmamahal at kasiyahan dahil nakompleto na ang pamilya. masaya na din ako, nahawa na. pero sa likod ng isip ko, ang totoo, naiinggit ako sa sobrang close ng pamilya nila. alam ni general yun, kaya ng kausapin ako ni FIL, hanggang batok ang laki ng ngiti ko. nung gabing yun, hindi ko naramdaman na outsider ako. hindi ko naramdaman na outcast ako na nakikisali lng sa kanila. nung gabing yun, parte ako ng pamilya.
nung pauwi na, abala si FIL sa pamimigay ng mga pasalubong nya. nangako siyang sa makalawa na ang walang kamatayang chocolates kasi kilangan pa nyang itake into account ang lahat ng bibigyan. so sa gabing yun, limpak limpak na salapi ang ipinamudmud nya. ehehe.. binigayan nya bawat anak, apo at surprisingly, may share ang mga in-laws.
|
inggiterong
elepante |
na excite me much. habang busy sila sa kakatanggap ng gasa at pag eexchange ng mga hugs and goodbyes, lumipad ang utak ko sa pwede kong bilhin para kay aqui gamit ang pasalubong. busy ako sa kakabudget sa perang wala pa sa mga kamay. nag black out na ako sa sobrang excitement nang marining ko ang 'hurrrrrnnnnggggg'. umandar na ang kotse. umuwi na pala sila. pulang backlights sa pwetan ng kotse nalang nakita kong kumakaway-kaway sa kin.... anlaki ng ngiti ni general. anlaki na din ng ngiti ko nang marealize kong nakalimutan nila ako....
MORAL OF THE STORY: BAWAL MAG-BLACK OUT KUNG UMUULAN NG GRASYA.
Glossary of Terms:
General - noun. Palayaw ng asawa ko, si Riz.
MIL - noun. Mother-in-law
FIL - noun. Father-in-law
sayangs, di ka naabutans ng pasalubs.
ReplyDeletehahaha.. dont count the eggs muna.. hehhe
ReplyDelete@khanto: nga eh. sayang talaga, bat kasi shunga at nag blackout pa.
ReplyDelete@kikoxxx: tumpak. eheheh
Lesson learned. Next time mag coffee. hehehe
ReplyDelete@Will: ehehehe.. tama. dapat alive palagi pag umuulan na ng pasalubong.
ReplyDelete