ayun, alsabalutan lahat ng clan para mag antay sa airport. gusto ko sanang mag antay pero gutay na gutay na ang katawan ko sa magdamagang pag type at pag-upo sa harap ng kumpyuter. sobraaaaang pagod ko kaya minabuti ko na lang maghintay sa bahay at 'matulog' ng madaliang slight slight kasama si general. na-convince namin si MIL na sa kung saang resto nalang kami pupunta kasi kilangan pa namin mag ipon ng lakaw dahil may trabaho pa kinagabihan.
7:00PM. homecoming dinner kasama ang buong ouano clan sa joven's grill park mall. ngarag kaming pumunta ni general. bakas sa mukha ni general ang magkahalong saya, kaba, sabik at gutom. habang pinagmamasdan ko siya, di ko mapigilang mapagtanto kung ano ang feeling ng may hinihintay na pamilyang OFW. wala kasi akong direct family na OFW. hindi ko rin na experience ang masabik sa pagdating ng pudra ko kasi matagal na siyang patay para sa kin. i grew up without a father. my mother
kita ko sa mata ni general na medyo nag skip ang puso nya ng makita ang kumpol ng pamilyang kumakain. masaya sya pero kinakabahan. ako? gutom at excited makita si aqui, ang anak ko. positive ang environment. puno ng tawa at pangungumusta. kitang-kita ang pagmamahal at kasiyahan dahil nakompleto na ang pamilya. masaya na din ako, nahawa na. pero sa likod ng isip ko, ang totoo, naiinggit ako sa sobrang close ng pamilya nila. alam ni general yun, kaya ng kausapin ako ni FIL, hanggang batok ang laki ng ngiti ko. nung gabing yun, hindi ko naramdaman na outsider ako. hindi ko naramdaman na outcast ako na nakikisali lng sa kanila. nung gabing yun, parte ako ng pamilya.
nung pauwi na, abala si FIL sa pamimigay ng mga pasalubong nya. nangako siyang sa makalawa na ang walang kamatayang chocolates kasi kilangan pa nyang itake into account ang lahat ng bibigyan. so sa gabing yun, limpak limpak na salapi ang ipinamudmud nya. ehehe.. binigayan nya bawat anak, apo at surprisingly, may share ang mga in-laws.
inggiterong elepante |
MORAL OF THE STORY: BAWAL MAG-BLACK OUT KUNG UMUULAN NG GRASYA.
Glossary of Terms:
General - noun. Palayaw ng asawa ko, si Riz.
MIL - noun. Mother-in-law
FIL - noun. Father-in-law