Warning: super pani na post.
Cebu > Manila > La Union > Clark > Cebu
24-27.June.2011
24-27.June.2011
kagagaling ko lang mula Davao with General pero dire-diretso na agad ako sa airport para sa another set ng bakasyown grande. Bumabagyo nun pero d ko ininda ang pagod at hangin basta makapiling ko lang ang tubig at mapahiran ng hagod ng alon ang binubining mangangating katawan.
skedyul kong lumipad ng alas 10PM at dahil may bagyo, alas 230AM na kami nakalarga. habang hinihintay ang paglapag ng eruflayn, d ako mapakali at sa sobrang excitement, dalawang beses yata ako umihi.
3++ AM touch base sa manila. d ko sure kung anong oras ang 1st trip papunta sa la union kaya kinomisyon ko ang mga kaibigan galing PNU para sa isang sobrang-agang canton party. kahit antok pa at medyo busy sa mga buhay nila, na-touch ako ng malamang tuloy ang tambay.
Kat, SeeDee at Nesjohn from PNU |
laughtrip. ang saya ng diskusyon at chika tungkol sa mga updates. natawa nalang sila sa mga bisaya hirits kow. buti nlng at nakapag-imbok (the word) ako nga isang sako ng tagalog. ayun naintindihan naman nila ang matigas na mga santik ng dila kow.
umaambon at parang galit ang panahon nang lumisan ako kina Kat. ang gloomy ng manila. ibang-iba sa last memory ko nito nung 2007. ako lang mag-isa sa byahe. nauna na kasi ang mga officemates. pero hindi na ako nagpakalunod sa bigat ng panahon. maintain lng talaga ang positivity.
dark. gloomy. |
6++AM simula ng paglayag ko papuntang la union. umuulan pa sa labas. may bagyo pa kasi. na-worry ako bigla kung ano ang kahihinatnan ko pagdating ko. baka baguio na paggising ko. buti nalang may backpacker/student/researcher na foreigner akong katabi. na-distract ako sa bagot at kaba. yun nga lang, muntik na akong maubusan ng english. wala pa naman akong dalang headset.
bumaba ako sa pangasinan. malayo-layo pa sa la union. tapos akong mawala at muntikang maihi maiyak dahil sa kaba, nakarating ako na basang-basa na parang sisiw. subalit, d ko talaga napigilang lumundag at sumigaw nang makita ko ang....
sign na to. |
need I say more?! woot woot. |
touch base! Welcome to San Juan, La Union!!!! para akong nabunutan ng ipin ng makita ang signage. woot woot. d ko mahanap ang tamang mga words para maibahagi ang excitement at tuwa. kaya, eto nlng ang ishe-share kow sa inyow. Ü
San Juan Surf Resort, San Juan, La Union |
pagdating ko, tapos na silang mag surf kaya bukas nalang ng whole day ako sasalang.
salo-salo sa isang gulp session kasama ang mga gurrrss habang sobrang pinapasakit nila yung kalooban ko at linulunod nila ako sa inggit.
parang bugaw/manager/body guard lang talaga ako nung time na yun kasi ako lang ang lalake. amp.
sesyown with Dione, Ateah Pea, June Biyatch at Nieco |
foto op with Surf champ Luke Landrigan |
d gaanong klaro na subrang kinilig ang mga pukers.
ang casual lang ng mga madlang people dun. parang wala lang ang makita ang mga butt-crack nila. kasi nga ang gaganda ng mga katawan. walang flabs sa kakasurf.
ginusto ko tuloyng tumira dun at magtinanda nlng ng tempura at siomai.
surfing instructors. the coolest. \m/ |
pansinin ang progression ng abs. hala go! surf lang ng surf hanggang sa maputulan ng paa! woot woot. resulta? para na ring naputulan ng paa. |
1st try, nakatayo agad! |
parang poster lang sa movie ano? (wey) |
hangsaya-saya lang ng araw na to. parang nakagat lang ako ng asong ulol. lalo pang lumaki ang atay at butsi ko ng sabihin ng instructors namin na for intermediate surfers na daw ung alon don. clap clap.
another item crossed of my bucketlist. kaso may bullets pa tong item na to.
- Learn to surf
> Surf in La Union
> Surf in Samar
> Surf in Siargao and Surigao
> Surf in Ilocos
> Surf in Zambales
> Surf abroad
D ko ma explain in words kung gaano ako kasaya ng araw na to. ramdam ko na parang 'i found home'. I seriously feel like I'm a water creature in my past life and surfing made me feel alive.
Sana may malalaking alon ang Zebu. I'm sure suking-suki ang mukha ko dun. d bali nang malapnos ako sa init. ehehe. Next destination? Siargao. Surigao. Pagudpud. woot woot.
IBANG BALITA:
gusto kong ipakilala ang
bagong image model ng
QUICKSILVER at BILLABONG.
ansabeh!?
casual lang. |
nga pala, may artista kaming nakita dun, d ko lang alam kung anong pangalan...
artesta 1. paparazzi mode. |
artesta 2. candid. :) |
wishful thinking |