Thursday, July 14, 2011

The Davao Hullabaloo Part 1

Davao
21-24.June.2011


With the stress and mayhem in the office, I needed a much-needed time off to chill out and get all the negative vibes off my spine. The leaves and trips were plotted way ahead of time so the countdown to the date was creating such a powerful whirl of excitement. Me and Riz is celebrating our 6th year together. And what better way to celebrate this by going on an out of town adventure. No itinerary, just listed places in Davao and soles itching for an adventure. Enough with the roundabouts, let's start the trip down..... STOP. ooooiiiiiii.. umi-english. parang travel blogger lang noh? back to normal programming. pak!




Day 1: Landing in Davao City
heylow durian! welcome to dabaw!
Sponsored ang trip nato ng AirPhil. Maraming salamat sa sponsorships. Sumakay kami ng erplin na sobrang excited sa mga planu namin sa mga darating na araw. ang planu is to experience the life in davao. we are not tourist kung baga, we are travellers. yung tipong, hindi magmamadaling pumunta sa mga lugar na parang sobrang gipit sa oras, pero yung type na iexperience talaga ang lugar. nagpatulong ako sa mga kaibigan ko sa davao para sa hotel na iistayhan namin. good to note na ang davao ay may maraming lugar na pwedeng matuluyan with a limited budget. umaambon nung nakalapag kami kaya erase muna ang planung mag night city tour. off to Cencia's para sa masaraps na hapunans. mmmm..yum! Nagstay lang kami sa hotel the whole night kasi umulan na. saktong-sakto na dala ko si lappy kaya nakapag-research kami kung saan pupunta the next day. Pagkatapos nun, movie marathon plus cuddle-cuddle over a rainy Davao City. ehehehe.. lights out.




Day 2: Experience Davao. Island Garden City of Samal Chillin'.
It is important to note that Davao City is a smoke-free, nature-friendly and crime-free city. Sabi nung cab driver on our way to the hotel na on a minimum talaga ang krimen sa syudad kasi disciplinado ang mga tao at siguradong tutugisin ka ng mga awtowridad pag bad ka. that statement alone put us at ease.


The next day, planu naming pumunta ng IGCoS kasi maganda ang reviews sa beaches do-own.. Andaming options at matapos ang 5 oras na pagdidiskusyown, nagpabook na din kami ng room overnight sa BlueJaz Resort dahil sa higanteng slide nila. Breakfast in bed c/o Jollibee Delivery, then off we go. Galing sa hotel eh pumunta muna kami sa San Pedro Cathedral para makapagbigay pugay kay Daddy Jess. We were blessed to have 6 years together and counting. Pagkatapos, tanung-tanong around nalang papuntang BlueJaz. And boy was it hard. Anlaki pala ng davao. The downtown area was too big and ang liit lang ng transition papuntang 'country side'. parang nahalo ang commercial and residential area so it was definitely not too good of an experience for me. Pero I was still so hyped up para mag relax at mag-chill kasama si labilab Riz. kaya, larga!


lalalalarga! papuntang bluejaz.


at totoo, anlaki-laki ng slide. sinubukan namin, woeh, parang naiwan ang kaluluwa't mga balakubak sa taas. we both tried both slides and boy was it fun. it was so exhilirating that you'd definitely have second thoughts going back for more round. but the fun and pumped-energy is soooo ecstatic that you'd by-pass the feeling and go anyway. 


bluejaz giant slide. ho!


meron ding trampoline, na palagi kong tinatawag na TARPOLIN, pero ayokong mag post ng pics kasi ang sagwa. parang baboy na kita ang butt-crack lang na nagpatalon-talon sa malaking plato. ulk. pagkatapos nun, pumunta na kami sa infinity pool at beach. ang oiiiiii ang gunduh.
Infinity Pool. Syempre, may jumpshot.


at ang beacccchhhh...


PAUSE muna tayo sa estoryah. may incoming chat pa kasi...antabayanan nalang ang mga remaining parts ng bakasyown grande namin ni general sa durian capital, DAVAO CITY. ehehhehe :)

Monday, July 11, 2011

ham back balakubak!

ham back balakubak galing sa topak! medyo matagal-tagal din akong nanghimlay namahinga mula sa mundo natin. hindi ko ikakailang na-mish kow kayow ng shobrah. eheheh


QUICKIE UPDATE:
ham back sa chat support so may oras na naman akong makapag-gala sa mga bahay nyow. salamat at pinagbigyan ako ng mga managers ko mapatos kong pagtitirahin ang mga sasakyan nila at pagmumurahin ang mga pagkatao nila pakiusapan na may tumululong luha at dugo, habang nakaluhod. salamat naman at naawa.


handaming nangyari sa 2 weeks. magulo pa ang isip ko sa dami ng mga happenings sa world. simulan ko nlng sa bakasyown grande kow as previously teased sa post.


..hindi ko mapigilan ang maluha ng marmol rambutan mansanas dugo rainbow ng mapayagan akong makapagbakasyon ng mahaba-haba. hindi naman kasi obvious na stressed na ang bata sa kakatanim ng mais.. kaya nang magkachempo, go for blackmail kaagad kina boss para ma-approve ang leave. and the rest is what they call history. woot woot. :)


later na ang details mga peeps. bisita muna ako sa mga bahay nyo para makapag back track sa na miss kow.


kung makatawa naman oh...

Monday, June 20, 2011

mga idols...

pasenxa na at hindi na ako nakakatambay sa mga bahay nyo.
medyo hinigpitan kasi ang sinturon dito sa hell world.
gutay na gutay na ang katawan ko sa kakalipat nila sa suport ko.
buti pa si tabian at chat full time.
dating ganun din ang buhay kaso nagka leche-leche ang mga 
pangyayari dito sa opis.

hindi. hindi po ako nakakalbo dahil sa stress.


i'm so stressed out!
luluwa na yata ang mata ko sa kakatrabaho.
i need a breather.

buti nlng at na approve ang 8 days leave ko. eheehhe
kaya, the journey begins!

Cebu > Davao > Cebu > Manila > La Union > Zambales > Subic > Clark > Cebu.

woot woot!

I'll be right back. as soon as everything is settled herein the O-piss.
(uy, umiinglis. eheheh)

Tuesday, June 7, 2011

Reklamador-dor-dor.

medyo tabingi lang ang daliri ano?
pakyu! pakyu! pakyu!

yan lang ang masasabi ko sa sitwasyon kung saan ako ang palaging napipiling maging dummy o kayay basahan na ipinapasa pasa sa lahat na siguro ng mga pwedeng pagpasahan. hindi naman ako nagrereklamo. nag aalboroto lang naman ang botsi ko sa galit.

minsan, sa kagustuhan nating makaangat sa trabaho natin, kailangang magpakumbaba at magsakripisyo. may mga pagkakataong hinihingi sa atin ang malaking bagay pero bukas sa loob natin itong ibinibigay sapagkat kagustuhan natin na pagdumating ang paraffle ng mga perks, eh, tayo ang nabibigyan ng malaking tiyansang makaangat. subalit, darating ang mga pagkakataong mapupuno ang anidoro at kailangang skubahin pa ubang maipasok ang ebs na nakabara.

lingit sa kaalaman ng lahat, ako po ay isang chat-voice-chat-voice and chat-email-chat-voice na callboy. Oo, ganyang ka diverse ang trabaho ko. on a fine day, nakikipagchat ako sa mga kano. para akong piping napapaligiran ng sandamukal na namumulang mga bibig na walang tigil sa kaka-inglis at kaka-mura sa mga hinayupak na kustomir. pero kung sobrang umaapaw na ang mga tawag at hindi na makayanan ng mga oats sa ops, eh, tina-tap na ako para magtumulong sa mga tawag. let's transition we are, shall we? lols.

I'm not complaining that I have to be chosen to be on phone. I don't have any control with that and it's not a problem for me because in the first place, I signed up for a Technical Support Position, no LOB specified. (naks!) Let me get that straight. I just don't like the feeling of being left in the lurch. I'm not a friggin dildo toy that has to be set aside once you feel like you had enough. I hate the fact that I am the only one doing this. It's me already, it's me who is the lonely king of support. (huh? ano daw?) Translation: ako na. ako na ang nag-iisang hari ng support. amp. To my supervisors, managers: I don't mind having to move into different modes whenever you need me. It's not a problem because I have utter confidence in my skills in handling sluggish customers. What I don't like is the frequency. I want to be on top of my game and I can't do that if you keep switching the playing field. Do understand that what I'm asking is consideration on my end. I'm trying to understand you guys up there but please do take time getting the picture of the people below......@#$^@#(@_$(#@$)!)#+@)!#@)# ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(dead air)

ayun. naubos na ang englis ko. hoh! salamat naman at nabilis kong napindot ang k-board. hoh! change pace kasi parang sobrang reklamador na ang labas ko. ang hirap kasing ibridge out ng lahat ng to sa mga taga-mt apo. 

moving forward, (ayun, may natira pa!) I love my job. It may not be the highest paying one in the market or have the most fun and pleasing team mates but I'm proud to say that it's definitely worth my stay here in the Philippines. (rather than my showbiz career which is very hectic)****************************** @$(%#$$@!))@)!#)@!... hoh! charge muna sa englis.

heniway, napagtanto kong mas masarap ang vanilla ice cream kesa sa strawberry flavor kahit na grabe ako kung mag reklamo, hindi ko naman ipinapahiya ang sarili ko. pulido pa rin ang resulta. yun ang importante. kung gusto mong makaangat, kayod lang talaga ng kayod hanggang sa lumuwa ang mga mata mo sa kakatrabaho, malay mo darating din ang araw na mabibigyan ka ng break. parang skyflakes commercial lang. ^___^


kayo, ano ba ang na-realize nyo? :)



PS. Medyo nabusy lang this week. Yaan nyo, bibisita na ako sa mga lungga nyo sometime soon. Uy, nakapag charge na ulit. lols